Mga Laro Sabado (Pebrero 16) (Ynares Sports Arena, Pasig City) 3 p.m. Opening Ceremony 4 p.m. UVC vs Foton 6 p.m. Sta. Lucia vs Generika-Ayala MATINDING volleyball action ang muling masasaksihan sa pagsambulat ng 2019 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ngayong Sabado, Pebrero 16, sa Ynares Sports Arena, Pasig City. Magkakasukatan ang Generika-Ayala at Sta. […]
NASAWI ang isang miyembro ng Marines nang aksidente umanong maputukan ng sariling baril, sa Sta. Cruz, Manila, Biyernes ng umaga. Dinala pa sa ospital si Cpl. Michael Arceo, 26, dahil sa tama ng bala sa ulo, ngunit binawian ng buhay, ayon sa ulat ng Manila Police District. Naganap ang insidente sa bahay ni Arceo at […]
ARESTADO ang isang lalaki’t babae nang makuhaan ng shabu na inipit sa bouquet ng bulaklak, sa buy-bust operation na isinagawa sa Bacoor City, Cavite, nitong nakaraang Valentine’s Day. Nadakip sina Jayson Jordan dela Cruz alyas “Papa G,” 27, ng Brgy. Molino 3, at Mary Isabelle Gahisan alyas “Mabel,” 22, na mula pa sa Tondo, Manila, […]
UMABOT sa 40 kandidato ang isinama ng Commission on Elections (Comelec) sa umano’y sangkot sa illegal campaign posters. Isinapubliko ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa tweet ang mga pangalan ng mga senadotrial bets. Kabilang sa mga umano’y sangkot sa illegal campaign posters ay si Senator Aquilino “Koko” Pimentel, presidente ng PDP-Laban at kabilang sa 11 […]
NASAWI ang doktor na mataas na opisyal ng bagong tayong ospital sa Bay, Laguna, nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa tapat ng naturang pagamutan, Huwebes ng hapon. Ikinasawi ni Dr. Roderick Mujer, vice president ng Global Care Medical Center (GCMC), ang mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat […]
TINATAYANG kalahating milyong pisong halaga ng mga baril at bala ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Pasay City noong Miyerkules. Sa isang pahayag, sinabi ng BOC kabilang sa mga nakumpiska ang walong pistola, 20 ammunition magazine at 226 bullets bala sa isinagawang operasyon. Kabilang sa mga nakumpiska ang isang Glock […]
INIREKOMENDA ng Department of Health sa Central Visayas (DOH-7) ang pagdedeklara ng dengue outbreak sa siyam na bayan at lungsod sa rehiyon sa harap naman ng mga batang tinatamaan ng dengue. Sinabi ni Dr. Ronald Jarvik Buscato, DOH-7 dengue program coordinator, na lumagpas na ang mga apektadong lugar sa “epidemic thresholds for the number of […]
Tawa nang tawa ang maraming netizens when Agot Isidro mimicked Mocha Something’s dialogue sa isa niyang post. “Andito po tayo ngayon. Hindi naman masyadong malamig. Medyo malamig lang. ‘Yung parang bagyo pero mas malamig. Gano’n. Nandito tayo ngayon, yes. Hahahaha.” That was Agot’s dayalog while in a park na maraming snow. Ganoon na ganoon din […]
Pinagkukuwentuhan sa isang malaking grupo nu’ng isang araw ang balitang kinakabog na ng tambalan nina Boobay at Tekla ang pinakasikat na komedyante-TV host na si Vice Ganda. Humahataw raw sa ratings ang show nina Boobay at Tekla, habang sumisisid naman nang pailalim ang Gandang Gabi Vice, kaya kailangan nang mag-reformat ang programa ng main host […]