Marine naputukan ng sariling baril, patay | Bandera

Marine naputukan ng sariling baril, patay

John Roson |February 15,2019
facebook
share this

Marine naputukan ng sariling baril, patay

John Roson - February 15, 2019 - 08:13 PM

NASAWI ang isang miyembro ng Marines nang aksidente umanong maputukan ng sariling baril, sa Sta. Cruz, Manila, Biyernes ng umaga.

Dinala pa sa ospital si Cpl. Michael Arceo, 26, dahil sa tama ng bala sa ulo, ngunit binawian ng buhay, ayon sa ulat ng Manila Police District.

Naganap ang insidente sa bahay ni Arceo at kinakasamang si Sushmita Tayo, sa Malabon st., Brgy. 338, dakong alas-3:20.

Sinabi ni Tayo sa pulisya na bago iyo’y nakita niya si Arceo na naglilinis ng baril sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Matapos iyo’y bumaba ang babae sa kanilang videoke bar sa unang palapag, at ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nakadinig na siya ng putok ng baril mula sa taas.

Nang magtungo sa kanilang silid ay natagpuan na lang ni Tayo si Arceo na nakahandusay at duguan, kaya humingi ng saklolo sa kanilang mga empleyado’t dinala ang huli sa University of Santo Tomas Hospital.

Idineklarang patay ng doktor si Arceo alas-4:17.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending