WALA ng public bidding sa mga government projects, utos ni Pangulong Digong. Sa halip public bidding, ang isang government agency na planong magsagawa ng malaking proyekto ay tatanggap ng panukala sa isang pribadong grupo. Ang nasabing grupo ang mag-aanyaya ng kapwa niya contractors o suppliers upang tumbasan o higitan ang kanyang panukalang presyo at kalidad […]
GUMAWA ng ingay sa mundo ng social media ang pag-unfollow sa Instagram nni Maine Mendoza sa kanyang ka-loveteam na si Alden Richards. May netizens na nagsabing gumigimik na naman daw si Maine para muling pag-usapan at magpakakontrobersyal. May nagkomento naman na baka raw na-hack ang IG account ng dalaga. Napahayag naman ng kalungkutan ang AlDub […]
DAHIL sa takot matapos makita ang gumagapang na ipis sa loob ng kanyang kotse, naibangga ng isang 61-anyos na babae ang kanyang sasakyan sa isang overpass sa Jurong East Central, Singapore noong Biyernes. Makikita sa mga litrato na ipinost sa Facebook ang isang pulang Mazda na nayupi matapos ang pangyayari. Sinabi ng pulisya na inalerto […]
Nasawi ang isang babae nang mahulog sa sinakyan niyang pampasaherong jeep sa San Pablo City, Laguna, Lunes ng gabi. Dead on arrival sa ospital ang babae, na nakilala bilang si Jocelyn Bon, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente dakong alas-7:40, sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. San Ignacio. […]
ITINANGGI ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na hiniling niya kay Sen. Richard Gordon na pakawalan na si dating Customs chief Nicanor Faeldon matapos naman ang desisyon ng Senado na ilipat siya sa Pasay City Jail. “No. What I told him is that I advised Faeldon to attend the hearing if he is subpoenaed […]
Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na tatapos umano sa kontraktwalisasyon. Pero duda ang mga militanteng kongresista kung matutupad ng panukala ang pangako ni Pangulong Duterte na tatapusin na ang endo. Sa botong 199-7 at walang abstention, inaprubahan ang House bill 6908. […]
Nagkaroon ng electrical failure ang isang tren ng Metro Rail Transit kaninang umaga. Pinababa ang may 800 pasahero ng tren sa Ortigas station south bound alas-8:21 ng umaga. Sumakay ang mga pinababang pasahero sa sumunod na tren na dumating makalipas ang walong minuto. “One cause of electrical failure in motor is worn-out electrical sub-components (e.g. […]
SINABI ni Sen. Grace Poe na dapat nang isara ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang kanyang blog o kaya naman ay bumalik na lamang siya sa pribadong sektor. Ito’y matapos ituloy ng Senate committee on public information and mass media ang pagdinig kaugnay ng fake news. Iginiit ni Poe na nag-o-overlap na ang […]