Nasawi ang isang babae nang mahulog sa sinakyan niyang pampasaherong jeep sa San Pablo City, Laguna, Lunes ng gabi.
Dead on arrival sa ospital ang babae, na nakilala bilang si Jocelyn Bon, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-7:40, sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. San Ignacio.
Patungo ang jeep sa city proper, at sa di pa malamang dahila’y nahulog ang babaeng sakay nito, ayon sa ulat.
Kinakitaan ang babae ng pinsala sa ulo at dinala sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna, pero di na umabot nang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending