PIPILITIN nina Liza Soberano at Enrique Gil na isingit sa kanilang super busy schedule ang pagbabalik sa pag-aaral. Kahit sikat na sikat na at kumikita na nang malaki, pangarap pa rin ng LizQuen ang makapagtapos ng college at magkaroon ng diploma. Naniniwala sila na iba pa rin kapag may titulo silang hawak na pwedeng ipagmalaki […]
HINDI alintana ng fans ni Maine Mendoza kung sabayan ang idolo nila ng sangkaterbang artista mula sa Kapamilya Network pagdating sa cover ng glossy magazines ngayong buwan. “Maine vs Jey Deen vs 12 Star Magic. I sold nyo ‘yang (magazine)!” panawagan ng isang idolo ni Meng. Nang pumatok kasi ang pangalan ni Maine sa showbiz, […]
TINANGHAL na Season Most Valuable Player sina Ma. Joy Baron ng De La Salle University Lady Spikers at Marck Jesus Espejo ng Ateneo de Manila University Blue Eagles sa UAAP Season 79 volleyball tournament. Hindi lamang inuwi ng Season 76 Rookie of the Year-MVP at 6-foot-3 open hitter na si Espejo ang ikaapat na sunod […]
MAY bagong papel na gagampanan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Siya ngayon ang bagong goodwill ambassador ng Joint United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS). Ibinandera ni Wurtzbach ang bagong papel niya sa kanyang Instagram account ang kuha niya kasama si Steve Kraus, UNAIDS director for Asia and the Pacific, nang isagawa ang paghirang sa […]
Hindi pa man nagsisimula ang pagdinig, idineklara ng patay ang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte. Ayon kay House committee on justice chairman at Oriental Mindoro Rep. Rey Umali tatapusin nilang talakayin ang reklamo bago ang adjournment ng sesyon sa Hunyo 2. “We will dispose of this [impeachment against […]
KINUYOG sa social media si Sen. Vicente “Tito” Sotto III matapos ang kanyang komento kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo habang nakasalang sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA). Ganap na alas-4 ng hapon, nanatiling numero uno ang “Tito Sotto” sa pinag-uusapan sa Twitter. Binatikos ng mga netizen at ng mga women’s rights groups ang naging […]
HINDI nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kontrobersiyal na kalihim na si Environment Secretary Gina Lopez. Binasa ni Senator Manny Pacquiao, chairman ng CA committee on environment and natural resources ang rekomendasyon para ibasura ang pagkakatalaga ni Lopez. Inaprubahan ang rekomendasyon ng komite sa plenaryo. Kabilang naman sina Senate Majority Leader Vicente “Tito” […]
NANGUNA ang isang nagtapos sa University of San Carlos (USC) sa Cebu City sa 2016 Bar examinations. Nakakuha si Karen Mae Calam ng rating na 89.05 porsiyento para manguna sa bar exam na isinagawa noong isang taon. Ito ang unang pagkakataon na nanguna ang isang nagtapos sa USC sa bar exam. Ito rin ang unang […]
Nabawasan ang mga pamilyang nakaranas na walang makain sa nakaraang tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Station. Mula sa 13.9 noong Disyembre, naitala sa 11.9 porsyento (11.2 porsyento na mga ilang beses at 2.1 porsyento na masalas o palagi) ang bilang ng mga Filipino na nagutuman sa survey noong Enero. Sa survey noong […]