Wacky Leaks Archives | Page 14 of 43 | Bandera

Wacky Leaks Archives | Page 14 of 43 | Bandera

Mediaman di lang mukha magaspang, pati ugali rin

MAS magandang basahin ang ating Wacky Leaks ngayong araw na ito habang nakikinig sa awit ng Yano na “Banal na aso, santong kabayo. Natatawa ako. Hihihi…” Isang kilalang mediaman kasi ang bida sa ating kwento ngayong araw. Ibang-iba ang kanyang imahe sa publiko sa kanyang tunay na pag-uugali sa kanyang mga katrabaho. Bukod sa palamura […]

Ex-mediaman na sabit sa ‘kalokohan’ may posisyon na sa Palasyo

NATULOY rin pala ang appointment bilang “director” sa isang kagawaran na may opisina sa Malacanang ang isang dating mediaman na sangkot sa iba’t ibang kalokohan. Bukod sa kilalang manggagamit sa pa-ngalan ng kanyang mga kasamahan sa trabaho para makakuha ng mga proyekto ay isang koo-peratiba rin ang nabiktima ng opisyal na ito. Dating block timer […]

Gwapitong pulitiko noon, Ibang hitsura ngayon

MARAMI ang nagulat nang magpakita sa publiko ang isang dating pulitiko na nagbabalak maging mayor sa isang lungsod sa Metro Manila. Kung dati ay matikas, maganda ang tindig at artistahin ang dating ng returning politician, ngayon ay biglang nag-iba na ang kanyang itsura. Sinabi ng ating cricket na malaki ang potensiyal ng pulitikong ito na […]

Mr. Politician di pa maka-move on sa namayapang anak

TUNAY na hindi matutumbasan ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak. Dahil panahon ng Undas, minarapat ng pamilya ni Mr. Politician na sa ibang bansa muna magbakasyon para hindi maalala ang mapait na trahedya sa kanilang buhay nang mamatay ang isa sa kanyang mga anak na lalaki. Kamakailan ay muling nabuhay ang alaala ng […]

Transport leader gahaman kung gahaman

ITO po ang part two ng ating kwento tungkol sa kurap na lider ng isang transport organization. Sinabi ng aking cricket na kaya naman pala gahaman sa lagay ang transport lider na bida sa ating blind item ngayong araw ay para masustain niya ang maluhong pamumuhay. Bukod sa kanyang pamilya ay mayroon din palang ibinabahay […]

Jet-setter na ang ‘bading’!

MULA sa dating simpleng mamamayan, ngayon ay isa ng certified jet-setter ang isang baklitang alalay ng isang Cabinet Secretary. Nabisto ng ating Cricket na itong si Mr. N ang nasa likod ng paninira sa ilang mediamen at ilang personalidad na kritikal sa kasalukuyang administrasyon. Maaaring hindi alam ng pangulo ang papel ng nilalang na ito […]

Opisyal na may konek raw sa Maute sinisilip

NGAYONG sisimulan na ang rehabilitasyon sa Marawi City ay marami rin ang nagtutulak na isabay na rito ang imbestigasyon kung bakit napasok sa lungsod ang mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf Group. Gusto ng ilang mga miyembro ng security cluster ng pangulo alamin rin kung sinu-sino ang mga opisyal ng pamahalaan na nagpabaya sa […]

Di napagbigyan ni Duterte, pulitiko nag-alsa-balutan

DAHIL hindi niya nakuha ang gusto niyang posisyon sa gobyerno ay nag-alsa balutan at tatakbo na bilang mayor sa isang kilalang lungsod sa Mindanao itong bida sa ating kwento ngayong araw. Kung maririnig lamang ng Pangulo ang mga pagyayabang ng ating bida ay malamang ay noon pa niya ito itinakwil kahit na ito ay kanyang […]

Pambababae isinabay sa trabaho

DAHIL sa higpit ng kanyang misis na pulitiko kaya nakaisip ng paraan ang isa ring dating pulitiko kung paano niya maitutuloy ang kanyang bisyo na mag-tsiks. Ayon sa ating Cricket, isinasabay ng dating mambabatas sa kanyang pagdalo sa mga speaking engagement o kaya ay NGO meeting ang pambababae. Pinakahuli rito ang dinaluhan niyang meeting sa […]

Family first, peg ni Mr. politician

HABANG ang ibang mga pulitiko na patapos na ang termino ay nagsumite na ng kanilang certificate of candidacy para sa ibang elective post ay nagpasya naman ang ating bida sa kwento ngayong araw na manahimik muna. Nagdesisyon si Sir na huwag na munang sumawsaw sa kahit anong pwesto sa gobyerno dahil gusto na muna niyang […]

Mayoralty bet problemado sa pondo; naubos sa sugal?

KUNG may magandang aral na natutunan sa pulitika ang ating bida ay ito ang pagmamahal muna sa sarili. Mula kasi nang matapos ang kanyang termino bilang isang local official at natalo naman sa pagtakbo sa isang national position ay biglang nag-iba ang takbo ng kanyang buhay. Nawala ang mga inaakala niyang kaibigan na dati ay […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending