DAHIL sa higpit ng kanyang misis na pulitiko kaya nakaisip ng paraan ang isa ring dating pulitiko kung paano niya maitutuloy ang kanyang bisyo na mag-tsiks.
Ayon sa ating Cricket, isinasabay ng dating mambabatas sa kanyang pagdalo sa mga speaking engagement o kaya ay NGO meeting ang pambababae.
Pinakahuli rito ang dinaluhan niyang meeting sa isang hotel sa Quezon City kung saan ay kabilang siya sa mga opisyal ng isang non-governmental organization na kilala sa pagkakaroon ng mga mapag-kawang gawang miyembro.
Makaraan ang kanyang opening statement sa naturang event ay biglang nawala si Sir.
Sinabi ng ating Cricket na sinundo pala niya sa lobby ng hotel ang kanyang chi-ching at pagkatapos nun ay dumiretso na sila sa kanyang inireserbang kwarto.
Hanggang sa natapos ang event ay hindi na nakita ang dating mambabatas na malamang ay nag-enjoy nang husto kasama ang kanyang chi-ching.
Makalipas ang limang oras ay sabay na nakitang naglalakad sa lobby ng hotel ang dalawa pero hindi magkahawak kamay para nga naman hindi halata.
Sinabi ng ating Cricket na hindi na inihatid sa sasakyan si Girl at dumiretso naman sa isang kalapit na coffee shop si Sir kung saan ay naghihintay naman ang isa pa niyang kamiting.
Dati nang naging laman ng mga balita ang dating mambabatas na ito dahil sa report na isa siyang drug user.
Kilala rin siya bilang tirador ng mga magagandang empleyado sa Batasan Pambansa complex.
Pero nang matapos ang kanyang termino ay humalili sa kanya si misis pero kahit na nasa Kongreso ito ay panay ang kanyang pagmomonitor sa kanyang palikerong mister.
Noong miyembro pa ng Kamara ay kabilang ang bida sa ating kwento sa hanay ng mga pinakamayayamang mga Kongresista kaya naman madali niyang nakukuha ang mga nakukursunadahan niyang tsiks.
Ang dating mambabatas mula sa Metro Manila na isinasabay sa kanyang mga official meetings ang pakikipagkita sa kanyang mga tsiks ay si Mr. R….as in Rich Son.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.