Gwapitong pulitiko noon, Ibang hitsura ngayon | Bandera

Gwapitong pulitiko noon, Ibang hitsura ngayon

Den Macaranas - November 21, 2018 - 12:10 AM

MARAMI ang nagulat nang magpakita sa publiko ang isang dating pulitiko na nagbabalak maging mayor sa isang lungsod sa Metro Manila.

Kung dati ay matikas, maganda ang tindig at artistahin ang dating ng returning politician, ngayon ay biglang nag-iba na ang kanyang itsura.

Sinabi ng ating cricket na malaki ang potensiyal ng pulitikong ito na maging mayor dahil mahusay siyang makisama lalo na sa mga ordinaryong mamamayan.

Dahil galing sa simpleng pamilya at may humble beginning kaya madali siyang makibagay sa mga botante sa kanilang lungsod.

Ilan beses na rin siyang nakatandem ng ilang pulitiko sa halalan na pawang mga nanalo naman bilang mga mayor.

Ibig sabihin ay swerte siyang makapareha sa halalan pero madalas naman siyang iniiwan sa kangkungan ng kanyang mga sinasamahang pulitiko.

Pinakahuli rito ang kasalukuyang mayor na nangako na siya ang susunod na mamanukin sa halalan pero kalaunan ay nauwi rin sa wala ang naturang pangako.

Balikan natin ang itsura ni Sir na naging kakaiba sa paglipas ng panahon.

Bigla siyang pumayat na tila ay may sakit at naging manipis rin ang tubo ng kanyang buhok.

Nung nakaraang filing ng certificate of candidacy ay halos hindi siya nakilala ng ilan sa kanyang mga kababayan dahil sa laki ng kanyang itinanda.

Hindi matiyak ng ating cricket kung siya ba ay may itinatagong sakit o nalulong na rin sa ipinagbabawal na gamot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang bida sa ating kwento na gustong maging mayor sa 2019 ay si Mr. I…as in Island.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending