MADALAS tayong makaranas ng di pagtanggap mula sa mga may pinag-aralan. Kung sino pa ang inaasahan nating madaling makaunawa at makaintindi dahil sila ang marurunong at may pinag-aralan, sila pa ang napakahirap pakiusapan; at iyon namang iniisip nating mahirap paliwanagan dahil walang pinag-aralan, sila pa ang madaling lapitan. Pagninilay sa Ebanghelyo (Sim 103:1-2, 3-4, 67; […]
GUMUGUHO na ang Liberal Party, at Lakas Pala. Sa tuluyang pagguho nito, lalagapak sa lugmok si Mar Roxas. Tsk-tsk-tsk. Masakit ito, lalo pa’t napakaraming daliri na ang nagtuturo kay Roxas, di para pagbintangan, kundi para sisihin. Sisimulan ko sa Camp Crame. Dumarami ang bilang ng junior officers na ipaghihiganti ang pagpatay sa SAF 44. Pero, […]
HUWAG kang sisiping sa kapwa mo lalaki nang tulad sa isang babae; iyan ay karumal-dumal, ayon sa Levitico 18:22. Ang aklat ng Levitico ay naglalaman ng mga tuntunin sa pagsamba’t mga seremonyang panrelihiyon sa Israel noon at dito rin matatagpuan ang pinaka-kilalang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili,” na tinawag ni […]
MATAGAL ko nang sinabi na palpak ang gobyerno ng Ikalawang Aquino, ang nagmamalinis na anak nina Ninoy at Cory (para sa RAMboys, hindi naman malinis ang pamamahala ni Cory dahil sa hayagang pabor sa mga kamag-anak). Unang pumalpak si Aquino sa Luneta hostage dahil sa maling hakbang sa ugnayang panlabas sa Hong Kong. Hanggang sa […]
ANG katalamitan ko ay si Texter …2424 12-June-2015 01:29:50 pm. Ngayon pa lamang, aniya, ay nakatitiyak na si Bongbong Marcos ng 10 milyon boto mula sa Solid North. Hindi na kailangang dumalo sa campaign rallies si Bongbong sa INRI (Ilocos Norte Region I) at si Imee na lang ang mag-iikot para madagdagan ang 10 milyon […]
PINAGLALARUAN na lang ni Jejomar Binay si Benigno Aquino Tres, kung palilikutin lang ang pag-iisip. Malalim ang pahiwatig ni Binay sa kanyang sinabing: “Basta umaasa ako na hanggang sa huling sandali, hanggang sa araw ng halalan, makokonsidera ako. Mayroon namang suportang patalikod,” sabay ngiti at tawa ng halinghing ng matandang kabayo. Parang sinabi na rin […]
MALILIGAW ka kung makikinig sa politiko. Iyan ang bahagi ng pagninilay sa Ebanghelyo (Tb 3:1-11a, 16-17a; Ps25; Mk 12:18-27) noong Miyerkules. Sa pagninilay, pinag-iingat ang Katoliko at mananampalataya. Sa pagsasagawa ng pagninilay, hindi dapat pagkatiwalaan ang politiko, kabilang na si Grace Poe Llamanzares, dahil hindi sila tapat at nagsasabi ng totoo. Natutuwa ang isang estudyante […]
NAGYAYABANG na si Rodrigo Duterte na ang kanya umanong ipinapatay na 1,000 ay gagawin niyang 100,000 kapag siya’y pangulo na at itatapon ang mga bangkay sa Manila Bay para tumaba ang mga isda. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, hindi tumataba ang mga isda sa “kakakain” ng bangkay ng tao. At urong-sulong pa […]
NAKAPAGTATAKANG ngiting-ngiti si Grace Poe Llamanzares sa sinabi ni Benigno Aquino Tres (BAT) na ang babaeng ito ang magpapatuloy ng kanyang mga sinimulan, patungo sa tuwid na daan. Teka, nagkakalokohan na naman tayo. Walang magandang sinimulan si BAT at wala ring tuwid na daan, dahil pati ang mga riles ng PNR at MRT ngayon ay […]
AYAW ng mabababang ranggo na mga sundalo sa minamadaling panukala, todo-hilot at pang-Sonang BBL (Bangsamoro Basic Law). Mas matindi pa raw ito kesa MOA-Ancestral Domain in Gloria Arroyo, na ibinasura ng Korte Suprema. Pero, walang tinig, hindi pinakikinggan at walang karapatang maghayag ng saloobin at opinyon ang mga corporal, private first class at sarhento. Ang […]
ANG pagsasadiwa ng Ebanghelyo noong Lunes sa ikalimang linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (Jn 14:21-26, Slm 115, Gawa 14:5-18), o isang araw pagkatapos ng malinaw na pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr., ay ang pagiging tapat at pagmamahal. Hindi naging tapat si Pacquiao sa kanyang mga fans sa buong mundo, lalo na sa […]