Same-sex union | Bandera

Same-sex union

Lito Bautista - July 03, 2015 - 03:00 AM

HUWAG kang sisiping sa kapwa mo lalaki nang tulad sa isang babae; iyan ay karumal-dumal, ayon sa Levitico 18:22. Ang aklat ng Levitico ay naglalaman ng mga tuntunin sa pagsamba’t mga seremonyang panrelihiyon sa Israel noon at dito rin matatagpuan ang pinaka-kilalang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili,” na tinawag ni Jesus na ikalawang mahalagang utos.

Ang batas sa same-sex marriage sa Amerika ay hindi ibinase sa utos ng Diyos o anumang talata ng moralidad. Kinatigan ito ng Supreme Court base sa karapatang magpakasal. Sa Pilipinas nina Pangulong Aquino at Cardinal Tagle, hindi ipinaglalaban ang karapatang magpakasal.

Kaya naman, noong Dekada ’50, na sinasabing may moralidad pa ang tao, lumaganap ang same-sex union, o ang pagsasama sa isang bubong ng lalaki sa lalaki, babae sa babae. Kapag kinutya ng matatabil na dila, ito’y tinawag na espadahan at pompiyangan.

Noong Dekada ’70, naging hayag ang same-sex union dahil mismo sa alta-sosyadad at showbiz, ang tinitingalang huwaran ng mahihirap, ay nagsama ang lalaki at lalaki; at babae at babae sa bubong at mararangyang pagtitipon. Sa marangyang pagtitipon sa pinakasikat na otel, kinamayan pa, at lubos ang pagtanggap, ni Rufino Cardinal Santos sa babae’t tomboy, na kilala sa mataas na lipunan.

Si Ogi, ng Barangay Tabing Ilog, Marilao, Bulacan ay bakla. Dalawa ang anak niya sa una at dalawa sa pangalawang asawa. Pero, dalawa rin ang papa niya. Ayaw niya ng same-sex marriage dahil ang kasal ay kasamento o kontrata. Kapag walang kontrata, madaling magpalit ng kasiping. At puwede ring iba-iba ang kasiping gabi-gabi.

Ayon kay Ogi, walang makapipigil sa kanya kung sipingan man niya ang babae, sa kabila ng kanyang mukha na mas may makeup pa kesa babae, at anakan; at wala ring makapipigil sa kanya kung sipingan niya ang kapwa lalaki. Nagtatapos doon, at nagiging ganap, ang kaligayahan ni Ogi. Bakit pa nga naman siya, aniya, mag-aabala sa kuskos-balungos na dokumento ng kasal?

Si Raul ay mayaman pero hindi na siya maligaya sa kanyang misis. Ibig niyang ipawalang-bisa ang kanyang kasal sa asawa at magtungo na lamang sa Amerika para magpakasal sila ng kinakasamang lalaki. Malinaw na ang kulang sa buhay ni Raul ay kaligayahan, na kailanman ay hindi ibibigay sa kanya ng Diyos dahil ito’y nakaugat sa kamunduhan.

Kung naupos na ang kaligayahan ni Raul sa kapwa lalaki, sino ang kanyang susunod na pakakasalan sa ilalim ng karapatang kasal sa Estados Unidos? Sa ila-lim ng karapatang ito, maaari nang magpakasal si Raul sa kanyang kapatid, balong ina o tiya at kahit sa kanyang alagang aso o pusa. Karapatang kasal iyan sa pananaw ng mga huwes na ang desisyon ay hindi ibinase sa malalim na pagtitimbang ng relihiyon at moralidad.

Bago ibinaba ng Supreme Court ang desis-yon, may mga estado na tutol sa same-sex marriage dahil sa idudulot na kasi-raan nito sa pag-iisip ng mga bata.
Sobra na ang kalaswaan ng ikatlong kasarian sa Amerika at tanging ang paninindigan na lamang kontra same-sex marriage ang manipis na hibla ng pag-asa na nawa’y lingunin naman ang turo ng relihi-yon. Pero, pinutol ng Supreme Court ang
hiblang ito.

Sa Marilao, natutuwa ang mga bakla sa balitang same-sex. Pero, hindi naman sila nagkakandarapang magpakasal sa kanilang mga papa dahil alam nilang pineperahan lang sila ng kanilang mga papa.

MULA sa bayan (0906-5709843): Malaki ang tsansa na manalo si VP Binay kung marami ang tatakbong pagka-presidente, lalo na kung tumaas pa ang rating ng walang panalo na sina Roxas at Duterte. Si Grace Poe lang dapat ang maging presidente at matuto na tayong huwag nang maglagay ng trapo sa puwesto. Pipili tayo ng magaling na mga bago. Kapag trapo, ganoon pa rin ang mangyayari: promises, political dynasties, personal interest at hindi tapat sa bayan. Dods Pande, 54, Tacurong City, Sultan Kudarat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana eleksyon na. Ma-kababalik sa mga puwesto ang mga Ampatuan. Ganito pala ang pamamahala ng Mangudadatu. …5331

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending