Jairus paiiyakin ang madlang pipol sa MMK | Bandera

Jairus paiiyakin ang madlang pipol sa MMK

Ervin Santiago - August 15, 2015 - 02:00 AM

jairus

TUNGHAYAN sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN nga- yong gabi ang pagbabahagi ng life story ng isang student-athlete na sinubok ang tatag at tiwala sa sarili nang magkaroon siya ng malubhang sakit sa buto.

Bibida sa bagong MMK episode na ito ang Kapamilya teen star na si Jairus Aquino. Sa kabila ng pagdanas niya ng hirap sa paglalakad, sinikap ni Efren (Jairus) na labanan ang kanyang sakit para maabot ang kanyang pangarap na makasali sa track-and-field program ng kaniyang eskwelahan.

Ano nga ba ang mga paghihirap na pinagdaanan ni Efren upang mapagtagumpayan niya ang pinakamalaking pagsubok ng kanyang buhay?

Saan nga ba siya kumuha ng lakas ng loob para harapin ang kanyang mga takot at pag-aalinlangan sa kanyang kakayahan? Kasama rin sa upcoming episode ng MMK sina Emilio Garcia, Assunta de Rossi, Manuel Chua, John Bermundo, Joaquin Reyes at Kyle Banzon.

Ang episode ay sa direk- syon ni Garry Fernando, at sa panulat ni Mark Duane Angos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng The Voice Kids sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending