Erap kinasuhan sa paggiba sa Quinta Market | Bandera

Erap kinasuhan sa paggiba sa Quinta Market

Leifbilly Begas - August 12, 2015 - 04:48 PM

erap estrada
Inireklamo ng samahan ng mga vendor si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada kaugnay ng paggiba sa Quinta Market sa Quiapo.
Inihain ni Juliet Peredo, pangulo ng D’ Manila Federation of Public Market Vendors Association Inc., ang reklamo sa Office of the Ombudsman.
Miyembro ng asosasyon ang mga vendor at stallholders sa 17 pampublikong palengke sa Maynila.
Kasama sa mga inireklamo ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Act ang iba pang opisyal ng munisipyo at opisyal ng Marketlife Management and Leasing Corp sa pangunguna ng pangulo nitong si Carlos Ramon Baviera.
“In a widespread and widely-publicized annihilation and dislocation of market vendors, including herein complainant, small entrepreneurs, tenants and other informal traders plying in or about the Quinta Market, the public was made aware of the utter disregard of the present Estrada administration to the plight and causes of those who have less in life under the pretext of modernizing markets,” saad ng reklamo.
Kinuwestyon din ang MMLC na wala umanong rekord na makapagpapatunay na ito ay mayroon ng karanasan sa industriya at wala rin umanong pinansyal na kakayanan upang gawin ang proyekto batay sa mga ebidensya na nakuha ng mga nagrereklamo.
Ayon sa datos ng Securities and Exchange Commision, itinayo ang MMLC noong Nobyembre 11, 2014 na mayroong paid up capital na P3.1 milyon.
Nakapagtataka umano na nakapagpadala ng unsolicited proposal ang MMLC kay Estrada noong Oktobre 20, 2014 dahil Nobyembre pa lamang naiparehistro ang kompanya.
Nagkakahalaga umano ng P90 milyon ang gastos sa pagsaaayos ng Quinta Market per P3.125 milyon lamang ang paid up capital ng MMLC.
Kuwestyunable rin umano ang address ng MMLC sa Unit 2018 Mayfair Tower United Nations Ave., kanto ng Mabini st., Ermita, Manila dahil ‘there is no such Unit 2018’.
30

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending