GMA pupunta sa burol ng kapatid
Leifbilly Begas - Bandera August 11, 2015 - 03:19 PM
Hindi na nadalaw ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo ang kanyang kapatid na pumanaw bago ang oras na itinakda ng korte para siya makalabas ng kanyang detention center. Kaya binago ng Sandiganbayan First Division ang desisyon nito at pinayagan ang dating lider ng bansa na makadalaw sa burol ni Arturo dela Rosa Macapagal. Sa dalawang pahinang resolusyon, pinayagan si Arroyo na makalabas sa kanyang kuwarto sa Veterans Memorial Medical Center kahapon, ngayon at sa Huwebes mula alas-4 ng hapon hanggang 8 ng gabi sa Heritage Park sa Taguig City. Kahapon ng umaga ay naghain ng mosyon si Arroyo at humingi ng limang araw na pagdalaw sa kapatid na pumanaw sa prostate cancer. Si Arroyo ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng iregularidad umano paggamit ng P366 milyong intelligence and confidential fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending