Alden Richards, Yaya Dub; ‘accidental’ love team – Direk

August 10,2015
share this

Alden Richards, Yaya Dub; ‘accidental’ love team – Direk

August 10,2015
share this

yaya dub
TALAGANG nagbabaga ang tambalang Alden Richards at Nicomaine Dei “Maine” Mendoza a.k.a. Yaya Dub, na mas kilala bilang AlDub sa kanilang mga tagasubaybay sa binansagang Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ayon sa direktor ng longest running noon time show, na si Mike Tuviera, aksidente lamang ang love team na ito, nabuo nang malaman ng mga staff na crush sa totoong buhay ni Yaya Dub si Alden.

Mula roon pinagplanuhan na “pagkitain” sila sa camera sa segment na “All For Juan/ Juan For All.” Katatapos lang ni Alden noon at kumakain siya nang sinabi sa kanya na umupo sa harap. Kwento ni Tuviera sinabihan lang niya si Alden na magpa-guwapo sa camera at titignan ang mangyayari.

“Si Alden, yun na, nag wave na siya. Nung in-insert na tinignan nga natin ang reaksyon, so that’s all. It was all an accident” sabi ni Tuviera.

Kinagat naman ng mga libo-libong manonood ng show ang loveteam na to at instant sikat nga ang AlDub tandem.

“On our side, in terms of APT, Eat Bulaga, and TAPE, it was all an accident, really. We are really, really very thankful,” ani pa ni Tuviera dahil talagang nagkaroon ng malaking fan base ang AlDub at lagi silang pumapalo sa ibabaw ng trends sa social media at pati na nga sa ratings.

Noong Sabado, dapat ang unang pagkikita sana nina Yaya Dub at Alden pero habang nasa ere ay hinimatay si Yaya Dub at kinailangang isugod sa ospital. Pero di dapat mag-alala ang mga fans dahil pagkaraan ay nagpost din si Maine ng kanyang picture at sinasabing ayos na raw ang kanyang pakiramdam. (Isinalin sa Filipino ni Djan Magbanua)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending