PH nabigo sa 2019 FIBA World Cup bid | Bandera

PH nabigo sa 2019 FIBA World Cup bid

Mike Lee - August 08, 2015 - 01:00 AM

NABIGO ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na madala sa bansa ang 2019 World Basketball Cup nang iginawad ang hosting sa China.

Sa isinagawang FIBA Central Board meeting kahapon sa Tokyo, Japan ay pinagprisenta ang dalawang nagpupursigi na makuha ang hosting para makumbisi ang mga ito na sa Pilipinas o China ibigay ang hosting.

Sa huli ay lumutang ang karanasan at kakayahan ng China na magsagawa ng malalaking palaro laban sa puso at pagmamahal ng mga Pinoy sa basketball.

Sina SBP president Manny V. Pangilinan, Fil-Am actor Lou Diamond Philips, Jimmy Alapag at dating Gilas coach Chot Reyes ang mga nagsalita para sa bansa upang iparating ang passion ng mga Pinoy sa basketball.

“Our vision is to make a quantum leap for the World Cup, to sweep not only the Philippines but the world in basketball euphoria as 100 million Filipinos locally and 10 million more Filipinos abroad to bare their love for the sport and ignite that love all over the world,” wika ni Pangilinan.

Pinangunahan ni dating NBA player Yao Ming ang China at ipinagmalaki nila ang malawak na karanasan sa pagho-host ng malalaking torneo.

Ang huling malaking palaro na itinaguyod ng nasabing bansa ay ang 2008 Beijing Olympics na dinaluhan ng 204 bansa at 10,942 atleta.

Ipinaalam pa nila ang planong paggamit ng walong siyudad bukod sa paggamit ng magagarang hotel para tanggapin ang record na 32 bansa na maglalaro sa prestihiyosong torneo sa basketball.

“You will be treated like a star,” wika ng isang Chinese official na nagsalita.

Mataas ang kumpiyansa ng pamunuan ng SBP na makukuha ang hosting matapos ang matagumpay na 2013 FIBA Asia Men’s Championship.

Ito sana ang ikalawang pagkakataon na gagawin sa Pilipinas ang World Cup sa bansa matapos ang 1978.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending