Michael Pangilinan pinatanggal sa ‘KERIBEKS’ event sa Araneta Coliseum | Bandera

Michael Pangilinan pinatanggal sa ‘KERIBEKS’ event sa Araneta Coliseum

Jobert Sucaldito - August 05, 2015 - 02:00 AM

michael pangilinan

IT was my decision na huwag nang padaluhin ang alaga kong si Michael Pangilinan sa “Keribeks” event kahapon sa Araneta Coliseum kahit nag-rehearse ito ng production number nila with other boys as scheduled at 10:30 a.m..

Sa totoo lang, when one of their staff texted me last month na gusto nilang kunin si Michael to be part of this event para sa regional gay groups, hindi ako nagdalawang-isip dahil in some ways, pang-LGBT ang show, di ba? Alam niyo naman si Michael, siya ang male ambassador ng LGBT community.

Halos lahat ng events ng LGBT basta ba available si Michael ay pinupuntahan niya. Kasi nga, ang hit song niyang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ay specially composed for our gay community pero puwede rin siyang pang-straight.

Anyway, last week, they texted me about the materials na kakantahin ni Michael at hindi kasama ang kantang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sa theme nila. I highly suggested that if they wanted Michael to do a spot number, it should be “Pare…” kasi nga gays ang crowd nila. Walang saysay if Michael sings a different song, di ba?

Kaya nga nila kinuha si Michael dahil sa song na ito dahil ang audience nila ay puro bading. Then they realized that and finally, okay na sa kanila.

Ganito ang latest scenario. Michael came from an overnight shooting (last day) ng movie version ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sa Lemery, Batangas.

Nakarating siya sa bahay niya sa Q.C. by 5 a.m.. and slept for three hours then proceeded to the rehearsal ng prod number nila at 10:30.

After ng rehearsal, ang contact ko sa show texted me that Michael’s spot number na “Pare…” will be put sa pre-show ng event.

For us kasi, pag sinabing nasa pre-show ka, front act ang ibig sabihin noon. Wala sa main show. Kahit saang anggulo mo tingnan, ang PRE-SHOW ay maliwanag na wala sa MAIN SHOW.

Anyway, ipinaliwanag ko sa kanila that ever since, kahit na maliit na pangalan lang ang alaga kong si Michael Pangilinan sa music industry, pinagsikapan ko itong ipagprodyus ng solo concert, every three months for the last 4 years and in fairness, soldout palagi ang concert niya. All of them.

And he has worked with the biggest names in the music industry. The last guesting he had were The Regine Series of Asia’s Songbird Regine Velasquez where they did pa a duet at itong tribute concert for Rey Valera with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra na ginanap sa Solaire Hotel last Saturday, along with great artists like Rico J. Puno, Martin Nievera, Vina Morales, Edgar Allan Guzman, Tippy delos Santos, Anton Ferrer and Ms. Sharon Cuneta.

Michael shone in that show na siyang ikinagalak ko bilang manager and nanay-nanayan niya. To make the long story short, ipinaliwanag ko sa organizers that I never allowed Michael to do front act in any local show and I hope they respect that.

At hindi naman marapat na sasabihan nila kami that he will do his solo spot sa pre-show nila sa mismong araw ng event. They could have at least told me days before the event para doon pa lang ay di na ako pumayag, di ba?

Ang katwiran nila kaya di nila maipasok ang spot ni Michael sa loob mismo ng show dahil si Vice Ganda lang daw ang merong spot number and the rest ay sa pre-show.

Wow ha! Porke si Vice Ganda lang ang merong spot sa loob ng show ay dapat pumayag ako, ganoon ba iyon? Because malaking artist si Vice at parang langaw lang kami? Ganoon ba iyon?

Hindi iyan ang point ko – ang sa akin lang, ang respeto sa artist ko. Malinaw iyan ever since, hindi ko talaga siya pinapayagan na mag-front act with any local artist natin, no offense meant ha.

Patakaran ko iyon and it must be respected. It’s not Michael’s fault – it’s not even his decision. It’s mine as a manager.

Anyway, since hindi nila kayang i-accommodate ang spot ni Michael sa main show, I pulled him out of the event. Kasi nga, ayokong mamroblema pa sila sa amin.

Pero hindi raw pumayag ang director nila. Ipinagpipilitan nilang hindi naman daw front act yung sa pre-show, pang-entertain daw ng audience iyon before the main show. Mga syonga, di ba?

Nakakaloka lang sila! Balita ko ay event ito para pangsuporta kay Sec. Mar Roxas para sa kaniyang presidential campaign next year.

Kaya ko naman ito tinanggap para suporta sana kay kaibigang Korina Sanchez.  Anyway, Michael will be at Mactan Pagcor Casino tonight.

May one hour free show siya doon at bukas naman ay nasa Pagcor Casino Malabon naman siya. Busy rin siya sa rehearsal ng “Kanser@35 The Musical” where he plays the lead role of Crisostomo Ibarra.

Katatapos lang niyang mag-shoot ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” movie niya with Edgar Allan to be released by Star Cinema.

Ang second album niya for Star Music ay lalabas na rin early next month and he has a “Kilabot Meets Kilabot” concert with the original Kilabot Ng Mga Kolehiyala Hajji Alejandro on Aug. 29 sa Music Museum. Iyan ba ang pang-PRE-SHOW lang.

Pinaghihirapan namin ang pagpapaangat sa maliit na pangalan ni Michael sa music industry kaya ganoon na lang ang pagprotekta ko sa kaniya in every participation that he does in any show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

We are not and was never difficult. Inuulit ko po, hindi ko kailanman papayagan si Michael na mag-FRONT ACT in any show ng any local artist natin.

Hindi kayabangan iyon, it’s part of my packaging. Sana lang ay malinaw ito sa lahat. Mwah!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending