‘Trip lang’: Teenager tinaga ang 85-anyos na lola, kinain ang puso

August 04,2015
share this

‘Trip lang’: Teenager tinaga ang 85-anyos na lola, kinain ang puso

August 04,2015
share this

PINAGTATAGA ng 19-na-taong-gulang na binata ang kanyang 85-taong-gulang na lola at kinain pa ang puso nito sa loob ng kayang bahay sa bulubunduking barangay sa Kabankalan City, Negros Occidental kahapon.

Sinabi ng suspek na si Ruben Fernandez Jalaman na “trip lang” ang kanyang ginawa matapos patayin ang kanyang lola ganap na alas-2 ng umaga sa kaniyang bahay sa Purok Kabukiran, Barangay Tapi, Kabankalan, tinatayang 90 kilometro sa katimugan ng Negros Occidental.
Ayon kay Kabankalan police chief Superintendent German Garbosa, inamin ni Ruben sa mga pulis na kinain niya ng hilaw ang buong puso ng kanyang lolang si Olivia Rapel Jalaman.

Idinagdag ni Garbosa na isasailalim si Ruben sa psychiatric test.
Sinabi pa ni Garbosa na isang tanod ng barangay Tapi ang pumunta sa bahay ni Olivia umaga ng Martes nang iulat ng mga kapitbahay na narinig nilang sumigaw ng tulong ang matandang babae.
Nang pumunta ang mga tanod sa bahay ni Olivia, natagpuan nila ang biktima na putas ang kanyang dibdib at wala na ang puso nito.

Nasa bahay naman si Ruben nang dumating ang mga tanod at sinabi niyang pinatay at kinain niya ang puso ng lola.
Inaresto ng mga tanod ang suspek at humingi ng tulong sa Kabankalan police.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending