Anne dedma muna sa teleserye: Ayokong mawala sa Showtime!
Ayaw munang gumawa ng teleserye ni Anne Curtis ngayong taon. Hindi na raw kasi kakayanin ng schedule niya kung magkakaroon pa siya ng soap opera.
“Siguro kaya ayaw ko muna mag-teleserye kasi kapag nagteteleserye ako, hindi na ako nakakapag-Showtime because araw-araw may taping. Hindi naman puwede na aalis ako sa Showtime.
When I did Dyesebel, nawala ako roon,” esplika ng TV host-aktres sa interview ng ABS-CBN.
Pero huwag daw mag-alala ang kanyang fans dahil baka raw gumawa siya ng pelikula very soon, “Huwag na muna siguro teleserye.
Baka movies na lang muna ako.” May mga balita na magsasama-sama sa isang movie sina Anne, Maja Salvador at Paulo Avelino pero wala pa kaming nakukuhang kumpirmasyon hinggil dito.
Subalit noong nakaraang buwan, may kumalat na litrato sa Instagram kung saan makikitang magkakasamang nag-dinner ang tatlo kasama si direk Ruel Bayani para raw sa isang proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.