Alden, Julie Anne ‘Naghalikan’ sa presscon | Bandera

Alden, Julie Anne ‘Naghalikan’ sa presscon

Ervin Santiago |August 01,2015
facebook
share this

Alden, Julie Anne ‘Naghalikan’ sa presscon

Ervin Santiago - August 01, 2015 - 02:00 AM

yaya dub

PARA patunayang wala nang ilangan at wala nang issue sa pagitan nila, “naghalikan” sina Alden Richards at Julie Anne San Jose sa harap mismong ng entertainment press nu’ng Huwebes ng gabi.

Nangyari ito sa press launch ng bagong weekly show ng GMA na Sunday PINASaya kung saan muli ngang magkakatrabaho sina Alden at Julie Anne bilang co-hosts ng programa.

Unang hinalikan ni Alden si Julie Anne sa pisngi, at nang hinamon naman ng press ang dalaga na halikan din ang Kapuso leading man, agad din itong humalik kay Alden.

In fairness, mukhang sincere naman ang dalawa sa kanilang pagbabati at pagsasabing okay na okay na sila uli. Hindi naman daw sila papayag na magsama sa trabaho kung may issue pa sila.

Samantala, nang makorner na ng entertainment media si Alden pagkatapos ng presscon ng Sunday PINASaya, ang tungkol naman sa AlDub, ang tambalan nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza) sa Eat Bulaga ang inusisa sa kanya.

Literal na araw-araw nang mapapanood si Alden sa TV – mula Lunes hanggang Sabado ay napapanood siya sa Eat Bulaga at tuwing Linggo naman sa Sunday PINASaya simula sa Aug. 9, kung saan makakasama nga niya si Julie Anne, ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, Primetime Queen Marian Rivera, Wally Bayola at Jose Manalo.

Sabi ni Alden, napalalaki ng pasasalamat niya sa Eat Bulaga dahil sa napakagandang exposure na ibinibigay sa kanya ng show.

“Sobrang happy po! Kasi ilang artista po ba ang nabibigyan ng chance na mag-host sa isang malaking noontime show na Eat Bulaga? Lahat ng nangyayari ngayon, dahil kay Lord, dahil sa opportunity na ibinigay ng Eat Bulaga.

Kaya kung anuman ang nire-require ng sitwasyon, handa akong ibigay. “Kasi sa mga fans, sa mga sumusuporta sa AlDub, utang na loob ko sa kanila yun, very much thankful ako,” sey ni Alden.

Kinilig naman si Alden nang sabihin sa kanya ng press na totoo palang crush siya ni Yaya Dub, “Nakakatuwa kasi hindi ko pa naman nakita o na-meet si Maine ever sa buong buhay ko.

Siguro noong nakikita na niya ako sa TV, noong hindi pa ako nagiging part ng Eat Bulaga.
“Ang nakakatuwa lang, nagagamit namin yung mga ganoong klase ng feelings or sitwasyon para mapasaya namin ang mga tao araw-araw kapag nanonood sila ng Juan For All,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Actually, hindi pa raw sila nagkikita sa personal ni Yaya Dub at inamin ni Alden na excited na siyang makilala ang dalaga, “Ako nga nagtatanong, ‘Kailan ba, kailan ba kami magmi-meet?’ Kaya lang, hanging pa rin yung decision kung kailan kami magkikita talaga ni Yaya Dub.”

Tinanong din ang binata kung posible bang maging sila ni Yaya Dub, ani Alden, “Ayoko naman pong magsalita nang patapos. Lahat naman siyempre may possibility ‘yan, kaya tingnan na lang natin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending