Aquino sister umusok ang ilong | Bandera

Aquino sister umusok ang ilong

Den Macaranas - July 31, 2015 - 03:00 AM

TODO pagtitimpi sa kanilang sarili ang Aquino sisters makaraang gumawa ng eksena sa SONA ng pangulo ang mga militanteng kongresista.
Halos maiyak naman sa sama ng loob ang isa sa mga pamangkin ng pangulo dahil sa pambabastos na ginawa ng mga kasapi ng Makabayan bloc sa pagtatapos ng talumpati ng Chief Executive.
Ayon sa ating Cricket na naka-upo sa gallery ng Batasan Pambansa noong panahong iyon, tahimik daw na nakikinig ang Aquino sisters sa SONA ni Pnoy.
Bagama’t halatang naiinip na ang ilan sa mga batang pamangkin ng pangulo dahil sa haba ng kanyang litanya ay nagawa pa rin nilang tiisin ang pakikinig ng pinaka-mahabang SONA.
Hindi nila inakalang may aagaw sa moment ni PNoy kung saan ay harap-harapan pa nilang binatikos ang binatang pangulo.
Biglang napatayo ang ilang relatives ng pangulo nang maglabas ng streamers at magsisigaw ang mga militanteng mambabatas.
Sa puntong ito ay nakita ng ating Cricket na halos maiyak sa pag- kabigla at sama ng loob ang batang pamangkin ng pangulo kaya to the rescue agad ang nanay nito.
Kaagad na kinausap ng isang kapatid ni PNoy ang anak sabay ang pagsasabi ng mga katagang “don’t mind them, they don’t even bother to pay their taxes”.
Sa kabila ng patuloy na pagsigaw at pag-eksena ng naturang grupo ng oposisyon ay nagawa pa ring mapanatili ng mga kaanak ng pangulo ang kanilang composure maliban na lamang sa isa niyang kapatid na halatang nairita sa mga pangyayari.
Hindi na nagsalita ang presidential sister na ito pero makahulugan ang kanyang mga matatalim na tingin sa mga nag-aalburutong kongresista ayon sa ating Cricket.
Ang Presidential sister na hindi naitago ang pagka-dismaya sa inasal ng mga militanteng kongresista sa SONA ng pangulo ay si A.B.K….as in Ako Ba Kamo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending