Mang Ramon maayos na ang kundisyon; matindi pa rin daw ang bisa ng ‘agimat’ | Bandera

Mang Ramon maayos na ang kundisyon; matindi pa rin daw ang bisa ng ‘agimat’

Cristy Fermin - July 28, 2015 - 03:00 AM

RAMON REVILLA  SR.

RAMON REVILLA SR.

Nakakakuwentuhan namin ang magkapatid na Princess at Andeng Revilla tungkol sa pinagdaanan ni dating Senador Ramon Revilla, Sr. kamakailan. Parang naniniwala na rin ang mag-utol na may agimat nga ang kanilang daddy.

Nang itawag daw ng nurse ni Tito Ramon ang kanyang sitwasyon ay parang biglang nanginig ang tuhod ng magkakapatid, halos sabay-sabay silang nagtakbuhan sa ospital, ang sabi raw ng mga nurses ng kanilang ama ay mas matindi kesa sa dating sitwasyon ang pinagdadaanan ngayon ng matandang Revilla.

Dehydrated si Tito Ramon dahil apat na beses itong nagsuka, kaya ang bilin ng magkakapatid, sa unang pagsuka pa lang ay kailangan nang dalhin sa ospital ang aktor-pulitiko.

“Hindi na bumabata si daddy, hindi na niya kayang magsakripisyo, latang-lata siya nu’ng dumating sa ospital. Malaki ang eyebags niya, halos hindi na makadilat, dehydrated siya,” kuwento ni Andeng.

Si Princess ang daddy’s girl sa magkakapatid, ‘yun ang dahilan kung bakit Pepes ang kanyang palayaw, kinuha sa karaniwang ipinangtatawag kay Tito Ramon ng kanyang mga kaibigan.

“Nu’ng tumawag sa akin ang mga kapatid ko, para na akong lantang gulay. Hindi ko alam ang gagawin ko, walang direksiyon ang mga galaw ko. Basta, parang lutang na lutang ang isip ko,” sabi ni Pepes.

Panay-panay ang sabi ng matanda na gusto nitong makita ang kanyang anak na senador. Maraming salamat naman at pinakinggan ng Sandiganbayan ang mosyon ni Senador Bong Revilla na madalaw ang kanyang ama.

“Napakalaki ng ibinuti ng sitwasyon ni daddy nu’ng makita at mayakap na siya ni Kuya Bong. Umiiyak siya, pero alam mong ang saya-saya niya nu’ng magyakap na sila at hinihimas na siya ni Kuya Bong sa noo.

“Naku, hindi pa kami handa. Sabihin na nilang matanda na si daddy, pero totoo, basta, hindi pa kami handa na mawala siya,” nangingilid ang luhang reaksiyon ni Andeng Bautista Ynares.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending