Carmina ayaw nang gumanap na kontrabida
Sa finale presscon ng Bridges Of Love, tuwang-tuwa si Carmina Villarroel dahil pinupuri ng manonood ang pagiging kontrabida niya sa serye.
Pero pagkatapos daw nito ay gusto muna niyang magpahinga sa pagganap ng masama. Kontrabida rin kasi ang role niya noon sa Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
“Kung ako ang masusunod, sana huwag naman akong ma-typecast sa pagiging kontrabida,” anang aktres nang makapanayan ng press sa thanksgiving presscon ng Bridges of Love sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Huling tatlong linggo na ng soap opera na pinagbibidahan din nina Jericho Rosales, Maja Salvador at Paulo Avelino.
Dugtong pa ng misis ni Zoren Legaspi, “Pero kasi ang lagi kong naririnig na tweets, laging sinasabi na effective kasi nga siguro sarcastic ako, or ‘yung itsura ko.
I don’t know, nagpapa-wholesome na nga ako pero ganoon pa din.” Pero aniya, posible namang magkontrabida siya uli sa serye, “Pwede pa rin naman po, pero sabi ko nga depende.
Kasi ’yung pagiging kontrabida ko rito sa Bridges of Love ay may pinanggagalingan. Hindi naman ’yung basta masama akong tao dahil wala namang masama na agad, may pinanggagalingan kung bakit.
“So kung ’yun ang i-offer nila, let’s see. It really depends on the story. It really depends on the background of the character.
Kung naiintindihan ko at naga-grasp ko siya fully, why not?” pahabol pa ng Bridges Of Love actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.