Liza, Kathryn, Julia, Janella bibida sa sariling concert
Naging usap-usapan sa social media ang suot na bracelets ng rumored sweethearts na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Twin bracelets ang mga ito kaya marami ang nag-akala na baka raw magdyowa na ang dalawa.
Sa Kris TV kahapon, tinanong ni Kris Aquino kung saan galing ang nasabing bracelets at bakit daw pareho, ayon kina Liza at Enrique, bigay daw ‘yun ng isa nilang loyal fan.
“Fan ng LizQuen talaga. She’s actually a lawyer but I don’t think I’m allowed to say her name,” ani Liza.
Napansin din ni Kris ang suot na necklace ni Liza at umamin ang dalaga na regalo sa kanya ‘yun ng kanyang ka-loveteam.
Bukod dito, binigyan din daw siya ni Enrique ng isang bracelet bilang “congratulatory gift” daw.
Samantala, malapit nang magsimula ang shooting ng kanilang bagong movie, kuwento ni Liza,
“They pitched it to us already. Basically it’s about a guy from Manila… I don’t know if there are going to be changes pa po… and a girl from the province again.”
Sey naman ni Quen, “I’m the guy who’s always busy, always working, not used to waiting, and impatient…Siya naman willing to wait habangbuhay dahil nga doon sa boyfriend niya.
Then magtatagpo kami sa province.” Isa pang good news para sa fans ni Liza, bukod sa second movie nila ni Enrique, magkakaroon na rin siya ng sariling album at concert kasama ang iba pang “It Girls” ng ABS-CBN na sina Kathryn Bernardo, Janella Salvador at Julia Barretto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.