Ombudsman kinasuhan si Palparan kaugnay ng pagdukot sa magkapatid na Manalo
KINASUHAN ng Office of the Ombudsman si retired Major General Jovito Palparan kaugnay ng kidnapping at serious illegal detention sa magkapatid na Manalo.
Ibinasura naman ng antigraft court ang kaso laban kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lt. Gen. Hermogenes Esperon Jr. dahil sa kawalan ng ebidensiya.
Sa isang resolusyon, sinabi ng Ombudsman na nahaharap si Palparan at walong iba pa ng dalawang counts ng kidnapping at serious illegal detention.
Kilala si Palparan sa tawag na “Butcher.” Siya ay inakusahan ng pag-aresto sa mga magsasakang Reynaldo Manalo at Raymond Manalo noong Pebrero 14, 2006 sa San Ildefonso, Bulacan matapos mapagsuspetsahan na mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.