Angeline nanghinayang sa pagkakatsugi sa serye ni Coco

By Ervin Santiago July 24,2015
share this

Angeline nanghinayang sa pagkakatsugi sa serye ni Coco

By Ervin Santiago July 24,2015
share this
COCO MARTIN AT ANGELINE QUINTO

COCO MARTIN AT ANGELINE QUINTO

Hindi na nga kasali si Angeline Quinto sa bagong serye ni Coco Martin sa ABS-CBN na Ang Probinsyano. Isa sana ang singer-actress sa magiging ka-loveteam ni Coco sa programa, the other one being Bela Padilla.

“Gusto ko lang linawin kasi hindi na ako kasali sa teleserye. Ngayon ko lang ito sinabi ha. Kasi before pa nu’ng nilalatag pa yung mga schedule namin, pabago-bago kasi yung taping. Hanggang sa umabot sa before mag-concert, hindi na nagawan ng paraan. Kasi meron pa akong mga schedule din before na nagawa na para ngayong taon,” paliwanag ni Angeline sa panayam ng ABS-CBN.

Siyempre, nanghinayang ang dalaga na hindi na niya magagawa ang nasabing serye, “Sabi ko nga sayang sabi kong ganun. Tapos ito pa yung parang first time naming magkakasama sana ni Coco sa teleserye.

Sabi ko, eh kung nangyari ito, siguro may dahilan naman. Kung sakaling may susunod sana mabigyan ulit ng chance.”

Hindi kaya magkatampuhan sila ni Coco dahil dito, “Hindi po. Hindi pa kami nagkikita ulit, eh. Hindi naman ako nagpa-pullout. Wala namang issue kumbaga na ako yung umalis or ayaw din niya, wala namang ganun. Trabaho talaga, eh. Excited pa man din sana ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending