Kelot nalunod sa ga-tuhod na baha | Bandera

Kelot nalunod sa ga-tuhod na baha

John Roson - July 23, 2015 - 05:31 PM

pangasinan
Nalunod sa hanggang-tuhod na baha ang isang 25-anyos na lalaki sa Calasiao, Pangasinan, matapos umanong sumpungin ng sakit na epilepsy, iniulat ng pulisya kahapon.

Isinugod pa si Jaypee Zapanta sa isang pagamutan sa San Carlos City matapos matagpuan, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.

Naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon Martes sa Sitio Pandayan, Brgy. Poblacion East.

Lumabas sa imbestigasyon na habang patungo si Zapanta sa isang deep well para maligo ay sinumpong ito ng sakit na epilepsy, kaya nalunod sa hanggang-tuhod na baha.

Bago ang insidente’y sinumpong din si Zapanta ng sakit noong Hunyo, ayon sa pulisya.

Matatandaan na ang Calasiao ay isa sa mga bayan na binaha dahil sa ulang dala ng habagat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending