3 bata naospital matapos kumain ng "leche puto" | Bandera

3 bata naospital matapos kumain ng “leche puto”

John Roson - July 23, 2015 - 01:25 PM

PANIBAGONG insidente na naman ng food poisoning ang naiulat Huwebes ng hapon sa Lucena City. Tatlong bata ang isinugod sa ospital matapos makaramdam ng sintomas ng food poisoning ilang oras matapos makakain ng leche puto. Nagtungo si Rodolfo Baron sa pulisya Miyerkules ng gabi para i-report ang umano’y pagkakalason ng tatlo niyang anak na sina Randulp Alyster, 9; Ryzelle Ann, 4; at Rhen Avien, 1, matapos kumain ng leche puto na hinihinalang panis na. Ayon sa ama ng mga bata, alas 4;45 ng hapong iyon ay inuwian niya ang pamilya ng leche puto.  Madali namang kinain ng mga bata ang pagkain ngunit pagkalipas umano ng ilang minuto ay isa-isa nang nagsakitan ang tiyan ng mga ito at nagsusuka. Sa takot na baka may mas malala pang mangyari ay isinugod ni Rodolfo ang mga anak sa Mt. Carmel Hospital. Ayon pa sa ama ng mga bata, walang expiration date na nakalagay sa kahon ng puto na kanyang nabili sa palengke.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending