Luis sa Basher: Kung sakaling Gay Man ako, di rin kita papatulan Bro!

By Djan Magbanua July 22,2015
share this

Luis sa Basher: Kung sakaling Gay Man ako, di rin kita papatulan Bro!

By Djan Magbanua July 22,2015
share this

LUIS MANZANO 1024

PINATULAN ni Luis Manzano ang isang basher niya sa Twitter na tumawag sa kanya ng bading. As in talagang nakipagbastusan din ang TV host sa palitan nila ng tweet ng isang nagngangalang “ItsMeArnel”.

Nagsimula ito sa isang post ni Luis kung saan naka-pose ito para sa isang advertisement. Nag-comment si “ItsMeArnel” ng, “@telets_0204 @luckymanzano @malditastore ano yan bakla? haha…peace”
Agad itong sinagot ni Luis, kung anu-ano nang panlalait ang ibinato nito sa kanyang hater, tulad ng pagsasabi nito ng baboy at kung anu-ano pa.
Nag-post din ang TV host ng isang meme photo gamit ang profile picture ng nasabing basher na may caption na, “Pinakabagong teleseryeng aabangan, Ang nasaan ka birdie ko?”
“Kung sakali na gay man ako, di rin kita papatulan bro! sa laki mong yan, matagal mo na di nakikita etits mo! HAHAHA!
“Please wag kang bitter kung di mo na makita etits mo sa laki mo, miss mo na siya? Gone too soon ba? HAHAHAHAHA!” ang sunud-sunod na tweet pa ng anak ni Gov. Vilma Santos.
Sinagot naman ito ni “ItsMeArnel ng, “@luckyManzano bitter!” At dahil hindi sanay ang followers ni Luis sa mga ganu’ng tweet inakala ng mga ito na na-hack ang account ng The Voice Kids host.
Pero mismong si Luis na ang nagsabi na siya ‘yun at gusto lang niyang turuan ng leksiyon ang kanyang hater.
“Guys, my twitter wasn’t hacked, you guys know me, once in a while it’s ok to fight back 🙂 it’s fun! It makes me laugh when i’m bored :)”
Sagot naman ni Luis sa isang na-curious na follower, “Di naman gera yun, it was just having a good laugh with someone filled with hate 🙂 it was fun for me ;)”
Narito ang ilan pa sa naging tweet ni Luis laban sa kanyang basher na medyo may katabaan: “Oink oink!!! Ingat sa mga fiesta pards!!! Dapat na headline ermat mo dati, nanganak ng biik! Hahahahaha!”
At ito pa, “Lahat kami ay nakikiramay sa etits mo @ABalauro, gone too soon… Alam namin matagal mo na siyang di nakikita… RIP small bird.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending