Renee Salud nainsulto sa mga foreign designer
Knows mo ba bossing Ervin kung paano at saan nagsimula ang terminong karinderya o carinderia?
Kuwento ng organizer ng Carinderia Queen na si Linda Legaspi, “Nag-umpisa ang term na karinderya sa Antipolo ng mga Seboys, Indians, mga guwapo sila.
Doon sila dumadaong just to go to pilgrimage, sa Hinulugang Taktak. “While going to Hinulugang Taktak, ‘yung road doon at naka-paa lang sila at nakasakay sa duyan while going to the church, somewhere along the line, magugutom sila at mauuhaw.
“So, mayroon doon sa side na mga tindahan na puwede silang uminom at kumain. Ang mga pinapakain sa kanila ay curry at bakit curry, kasi ang mga nakatira sa Antipolo at Taytay noon ay mga Bombay na Seboy kaya ang kinakain nila lahat curry like chicken curry, (beef curry, pork curry), e, ang tawag ng mga Pinoy ‘kari’ na naging kare-kare. At saan nabibili ang iyong kare-kare, e, di sa karinderya.
“Yun ang history ng ating karinderya, at marami ng nangyari na ‘yung karinderya, naging panaderya dahil sa bread, nagkaroon na ng mga Chinese kaya naging pansiterya, at nagkaroon na ng fastfood nandoon na ‘yung balot-balot na naging binalot at sunud-sunod na.
That’s the history of our Filipino food. “So, the real definition of karinderya is not street food kundi home cooked Filipino food in a Filipino setting.
That’s why we invited Aristrocrat who started as karinderya legally kasi they served home cook Filipino food in a Filipino settings. So ‘yung mga fusion-fusion na ‘yan, it’s the real meaning of karinderya.
“And I’m hoping that one day, itong project namin ni mama Renee Salud na Carinderia Queen will be recognized worldwide.”
Samantala, bongga ang Carinderia Queen search dahil buong Pilipinas pala ay lilibutin nina Mama Renee Salud at Ms. Linda, simula sa maliliit na barangay at bayan, maski liblib na lugar ay papasukin nila at sa mismong kumpetisyon ay may mananalong best in long gown, best in kusina wear, kapalit ng swimwear, dahil hindi raw sila puwedeng magkaroon nito dahil baka hindi bagay sa ibang kandidata.
Natanong din si mama Renee sa nakaraang contract signing ng Carinderia Queen 2015 tungkol sa mga ginagamit na gown ng ating representative sa mga international beauty pageant na imbes locally made ay gawa ng foreign designers ang ipinagamit.
Kilalang designer at nanalo na rin sa iba’t ibang competitions si mama Renee kaya malaking insult ito sa kanya. “First of all, parang masyadong nakakainsulto.
We have proven already, not only to ourselves but to everybody, to the organizers, we have done a lot of good things for them.
“We have so many winning gowns, national costumes from the past, why are they trying to ease us out from those contests?
“Of course, we’re talking about Miss Universe. Inaamin ko naman na those are big contests. Siyempre kapag nagdamit ka, kikita ang kultura natin du’n through our fashion. Biglang nawala yun, nakakainsulto.
And how could another designer from other country matatalbugan pa ang paggawa namin ng Filipino costumes?” sabi ni Mama Renee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.