6 na estudyante sa Iloilo naospital sa tsokolate | Bandera

6 na estudyante sa Iloilo naospital sa tsokolate

John Roson - July 20, 2015 - 06:20 PM

pavia, iloilo
Isinugod sa ospital ang anim na Grade 6 pupil ng isang paaralan sa Pavia, Iloilo, nang diumano’y malason ang ilan sa kanila matapos kumain ng kendi.

Dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang anim, na pawang mga mag-aaral ng Brgy. Ungka Dos Elementary School, sabi ni PO2 Glory Galas, imbestigador ng Women and Children’s Protection Desk ng Pavia Police.

Ang mga naturang mag-aaral ay may edad 11 hanggang 16, aniya.

Dalawa sa anim ang dumanas ng matinding pananakit ng tiyan at pagkahilo matapos kumain ng kendi noong kanilang recess alas-9:30 ng umaga.

“‘Yung apat pa, nakakain din kaya isinama sila, pero kaunti lang nakain nila… Itinuturo nila ‘yung candy, pero inaantay pa ang result sa ospital,” sabi ni Galas sa BANDERA.

Napag-alaman na ang “milk-coated peanut” na kendi ay nabili ng mga estudyante sa isa nilang kaklase na 12-anyos.

“Nabili ito ng auntie niya (batang nagbenta) sa isang grocery store… noong July 16 pa binili pero siguro dahil walang pasok nitong mga nakaraang araw, kanina niya lang naisipang ibenta,” ani Galas.

“First time niyang magbenta,” anang pulis.

Maayos na umano ang kalagayan ng mga batang dinala sa ospital pero habang isinusulat ang istoryang ito’y di pa nakakauwi dahil hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri.

– end –

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending