3 militiaman minasaker sa Misamis Oriental | Bandera

3 militiaman minasaker sa Misamis Oriental

John Roson - July 20, 2015 - 02:54 PM

misamis oriental
Nasawi ang tatlong militiaman nang magsagawa ng opensiba ang New People’s Army (NPA) sa Gingoog City, Misamis Oriental, kamakalawa (Linggo) ng gabi, ayon sa militar.

Ikinasawi nina Alfredo Sarno, Perry Abao, at Pernan Abao, pawang mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU), ang mga tama ng bala na mula sa AK-47 rifle, sabi ni Captain Joe Patrick Martinez, tagapagsalita ng Army 4th Infantry Division.

Natagpuan ng mga elemento ng 58th Infantry Battalion ang bangkay ng tatlo habang nagsasagawa ng clearing operation matapos ang pag-atake ng mga rebelde sa patrol base sa Brgy. Hindangon, ani Martinez.

Halos 1 kilometro lang ang layo ng patrol base sa lugar kung saan natagpuan ang mga bangkay, aniya.

Pinahinto ng mga rebelde ang motorsiklong sinakyan ng mga militiaman at pagkatapos ay pinagbabaril ang mga ito, ani Martinez, gamit bilang basehan ang kuwento ng mga residenteng nakasaksi.

Pwang mga di naka-duty ang tatlong militiaman, nakasuot ng pang-sibilyang damit, at di armado, aniya.

Pinaniniwalaang naganap ang mga pagpatay kasabay ng pag-atake sa patrol base.

Pinaputukan ng di mabatid na bilang ng rebelde ang patrol base dakong alas-8. Nagkaroon ng 40 minutong palitan ng putok sa pagitan ng NPA at mga militiaman na naka-duty, bago umatras ang mga rebelde.

Naganap ang mga insidente limang araw lang matapos humingi ang NPA ng 10-araw na suspension of military operations (SOMO) kapalit ng pagpapalaya sa sundalong dinukot nila sa Brgy. Alagatan noong Hulyo 11, ayon kay Major General Oscar Lactao, commander ng 4th ID.

“That’s the reason why we cannot trust these criminals. How can the government consider their demand if they keep on showing insincerity on their actions?” sabi ni Lactao sa isang kalatas.

“Together with the PNP, we shall continue our rescue operation in the area especially now that we are getting timely and relevant information about the location of the NPA captors,” aniya pa. (John Roson)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending