Blind item: Aktres di nakayanan ang problema, nag-resign sa serye | Bandera

Blind item: Aktres di nakayanan ang problema, nag-resign sa serye

Cristy Fermin - July 19, 2015 - 01:41 PM

MARAMING nakikisimpatya sa isang babaeng personalidad na kinailangang magpaalam agad sa isang proyekto sa telebisyon kahit na hindi pa tapos ang istorya nito.

Mahalaga ang papel na ginagampanan sa kuwento ng magaling na female personality, talagang makaaapekto sa daloy ng istorya ang biglaan niyang pagpapaalam, pero pumayag ang produksiyon dahil sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

Matindi ang kuwentong bumabagabag ngayon sa magaling na aktres, hindi ‘yun problemang basta na lang sumulpot na puwedeng tagpain agad-agad, huli na ang lahat para niya maresolbahan.

Kuwento ng aming source, “Palagi kasi siyang malungkot, nakatingin lang sa kawalan, nakaaarte pa rin naman siya pero alam mong may bumabagabag sa kanya.

“Nagpaalam na siya sa programa, meron lang siyang ginawang ilang eksena para magamit sa kuwento kung bakit mawawala na siya sa ikot ng istorya. ‘Yun lang at nagpaalam na siya sa production na agad-agad namang naintindihan ang sitwasyon niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

May mga personalidad na mahusay magpanggap. Nakaaarte sila kahit pa may problemang palaging sumisiksik sa kanilang puso at utak habang nasa linya sila ng pagtatrabaho.

“Pero iba itong kay ____ (pangalan ng magaling na aktres), matindi ito, talagang hindi madaling kalimutan ang problemang biglang dumating sa kanilang pamilya.

“Walang may gusto nu’n, hindi nila hinanap, pero nangyari. Kaya gaano man siya kagaling na aktres, e, hindi niya kakayaning itago ang sitwasyon niya. Pahinga ang kailangan niya,” kuwento uli ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending