Ruby Rodriguez ayaw maging comedian ang anak | Bandera

Ruby Rodriguez ayaw maging comedian ang anak

Reggee Bonoan - July 19, 2015 - 02:00 AM

ruby rodriguez

Nagtataka ang staff ng kilalang TV network kung bakit sa programang Happy Truck Ng Bayan ng TV5 napapanood ang anak ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino at hindi sa GMA 7?

Si Toni ang anak nina Ruby at Mark na hangga’t maaari ay ayaw palang pag-artistahin ng ina, lalo na ang pagsunod sa yapak niya bilang komedyana.

Hindi raw kasi maganda ang views ng tao kapag sinabing komedyante, “Sa atin kasi ‘pag komedyante ka, you always have a defect, ‘yon ang tingin nila may kapintasan.

Kung hindi ka sobrang itim, sobrang payat, sobrang taba, ‘yung gano’n, di ba,” tanda naming sabi ni Ruby.

Sitsit sa amin, “Wala naman kasing offer si Toni sa GMA, hindi naman siya inoperan sa Eat Bulaga.”
Magkaiba rin ang manager ng mag-ina, si Ruby ay talent ni Malou Choa-Fagar samantalang si Toni ay alaga ng talent manager na si Noel Ferrer.

Hirit pa sa amin ng ilang staff ng kilalang TV network, “Hindi naman masyadong nabibigyan ng exposure si Toni sa Happy Truck Ng Bayan kasi one of those lang siya roon at hindi rin naririnig magsalita.

“Napapanood siyang sumayaw at magaling kasi member siya ng G-Force Junior, di ba? Saka hindi naman din siya regular sa Happy Truck,” dagdag pa ng aming kausap.

Tinanong namin ang manager ni Toni na si Noel Ferrer tungkol dito, “Minsan nasa Eat Bulaga rin siya, puwede rin naman siya sa GMA.”

Hindi kami kumbinsido sa sagot ni Noel kaya muli naming tinanong kung bakit sa TV5 napapanood ang alaga niya at hindi sa Kapuso network, bakit pumayag silang hindi maging regular si Toni sa show ng Singko? Parang nasasayangan lang kasi kami sa talent ng bagets kung hindi siya mabibigyan ng magandang exposure.

Pero hindi na kami sinagot pa ni Noel hanggang matapos naming tipahin ang balitang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending