Jolina papayag makatrabaho uli si Claudine pero sa isang kundisyon... | Bandera

Jolina papayag makatrabaho uli si Claudine pero sa isang kundisyon…

Julie Bonifacio - July 18, 2015 - 02:00 AM

jolina magdangal

PANAY ang iyak ni Desiree del Valle sa thanksgiving presscon ng Kapamilya afternoon series na Flordeliza. May “sepanx” (separation anxiety) kasi si Desiree sa nalalapit na pagta-tapos ng kanilang soap opera.

But unlike Desiree, kontrolado naman ng co-star niyang si Jolina Magdangal ang kanyang emosyon sa nalalapit na ending ng Flordeliza.

Although, kahit paano ay meron din siyang nararamdaman na sepanx. “Actually, noong ano pa lang, first season, nalulungkot na ko kasi mas nauna ‘yung bonding namin bago talaga ‘yung work, eh.

So nalungkot ako talaga,” saad ni Jolina. Hindi pa nila nagagawa ang finale episode ng Flordeliza pero tatlong ending daw ang pinagpipilian ng production.

But definitely, meron daw mamamatay sa ending. ‘Yun lang, hindi pa nila pwedeng i-revel. “Kung ano yung gagawin du’n, masusurprise kami. I’m sure magiging remarkable,” paniniyak ni Jolina.

Thankful si Jolina sa ABS-CBN na sa kanyang pagbabalik ay nabigyan siya ng magandang role sa Flordeliza na mapapanood araw-araw bago ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

And speaking of pagbabalik, isa ring “iniluwal” at pinasikat na artista noon ng Dos ang nagbabalik Kapamilya network na si Claudine Barretto na una niyang nakasama sa Ang TV at sa pelikulang “Radio Romance”.

We asked Jolina kung ano ang feeling niya na balik-Dos na rin si Claudine and a possibility of working with her sa kanilang mother network.

“Nagka-work kami di ba? May show kami sa GMA noon, ‘yung Iglot. Nu’ng naputol ‘yung show, so, parang nagkaroon ako ng hesitation to work with her kasi baka may problema siya or nu’ng nagkaroon siya ng problema parang natapos agad ‘yung show,” pag-alala ni Jolina.

Hindi raw siya sanay na bigla na lang nawawala ang show niya and during that time, ikakasal siya sa kanyang mister na si Mark Escueta.

“So, ang dami-dami kong iniisip. Ang thinking ko professional tayong lahat. Anuman ang problema natin, meron tayong trabaho.

E, pero parang naaano ako, ah, okey kung makasama ko ulit siya, make sure lang na okey siya. At gusto ko okey siya,” sabi pa niya.

Wala na raw isyu sa kanila ni Claudine ngayon at okey na raw sila. Nakita raw kasi niya ang sincerity nitong magbago. At happy siya na nagbalik na rin ito sa Channel 2.

“Nawala ang hesitation ko to work with her. So, if ever may chance, bakit hindi? I think we’re grown-ups already para harapin ang mga bagay-bagay kung amay problema,” diin niya.

Hindi man daw sila naging magkaibigan ni Claudine, never naman silang naging enemies noon. And she did not consider Claudine as her rival before.

Say namin kay Jolina, sila nina Judy Ann Santos at Claudine ang second set of generation na tatlo rin ang “nag-agawan” sa trono after nina Sharon Cuneta, Snooky Serna and Maricel Soriano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero ang advantage ni Jolina sa dalawa, may singer career siya that time, “Oo, uma-album ako noon,” ngiti ni Jolina. “May mga ganoon pala. Ha-hahaha!”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending