DOJ inaprubahan ang paghahain ng tax evasion laban kay Cedric Lee | Bandera

DOJ inaprubahan ang paghahain ng tax evasion laban kay Cedric Lee

- July 14, 2015 - 03:44 PM

Cedric-lee-2

INAPRUBAHAN kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng kasong tax evasion laban kay Cedric Lee kaugnay ng umano’y pagkabigong magbayad ng buwis na aabot sa P194.47 milyon.

Bukod kay Lee, pinapakasuhan din ang kanyang asawang si Judy Gutierrez Lee a, na Finance Officer ng Izumo Contractors Inc., at John K. Ong, ang chief operating officer ng kumpanya. Si Lee ang presidente ng Izumo contractors.

Sa 13-pahinang resolusyon na isinulat ni Assistant State Prosecutor Stewart Allan Mariano at inaprubahan nina Senior Assistant State Prosecutor Susan Dacanay at Prosecutor General Claro Arellano, hindi umano idineklara ni Lee ang kita ng kumpanya na aabot sa 1,602 porsiyento mula 2006 hanggang 2009.

“The manifest underdeclaration is more than tenfold…thus, a prima facie case thereby exists against all the respondents,” sabi ng resolusyon ng DOJ.
Nauna nang kinasuhan si Lee dahil sa umano’y pambubugbog sa aktor at host na si Vhong Navarro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending