‘Irespeto natin ang pananahimik ng pamilya ni Julia!’
TUNAY namang nakakabigla ang pagpapakamatay ng bagets na si Julia Louise Buencamino.
Fifteen years old lang ang anak ng magagaling na artistang sina Nonie at Shamaine Buencamino na napanood natin sa daytime series na Oh My G! sa ABS-CBN.
Ang mga kaedad niyang mga pamangkin namin ang nagkuwento nang nangyari kay Julia. Naku, kapatid na Ervin, talagang nagmistula kaming mga “clinical psychologist” habang nagdidiskusyon kami sa pagsu-suicide ng Kapamilya teen star.
Hindi na gustong paimbestigahan pa ng tatay nitong si Nonie ang pangyayari dahil naniniwala daw silang nag-suicide nga ang anak nila ni Shamaine.
Nakakaloka ang nangyari kay Julia. Imagine, walang kaalam-alam ang kanyang pamilya at mga kaibigan na may pinagdaraanan pala ang bagets na nauwi nga sa kanyang pagsu-suicide? Ramdam namin ang sakit na pinagdaraanan ngayon ng mag-asawang Nonie at Shamaine, kaya irespeto na lang natin ang pa-kiusap nilang makapagluksa nang tahimik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.