Anak ni Sherilyn sa direktor gusto nang magpaampon kay Chris Tan | Bandera

Anak ni Sherilyn sa direktor gusto nang magpaampon kay Chris Tan

Ervin Santiago - July 10, 2015 - 03:00 AM

KYLE SANTIAGO

KYLE SANTIAGO

Kung ang young actor na anak ni Sherilyn Reyes na si Ryle Paolo Santiago ang masusunod, gusto na niyang ampunin siya ng bagong asawa ng kanyang ina na si Chris Tan. Si Ryle ay anak ng Kapamilya director na si Jun Jun Santiago kay Sherilyn.

Kasali si Ryle sa bagong horror-comedy show ng TV5 na ParangNormal Activity, at nakausap nga siya ng ilang reporter sa nakaraang presscon ng programa tungkol sa relasyon nilang mag-ama.

Ayon sa binatilyo, mas close talaga siya kay Sherilyn dahil dito siya lumaki, “I live with mom kaya mas close talaga kami.” Hindi rin daw sila madalas mag-usap ni direk Jun.

“Not that frequent, nakikita ko rin naman every now and then…by chance, ganu’n lang po,” sey ni Ryle.

Hindi rin daw siya close sa mga kapatid ng tatay niyang sina Rowell at Raymart Santiago.

Hindi pa siya legal na inaampon ni Chris kaya hindi pa niya magamit ang apelyido nitong Tan,

“Actually, I want to nga po, I want to. Most people know me as Tan na rin talaga. Pero parang hindi pa puwedeng magpa-adopt, hindi pa po pumapayag, e (si direk Jun).”

Wala naman daw siyang sama ng loob sa tunay niyang ama, “Wala naman po, dati nung nagkakagulo…siyempre nag-boil down na, like I’ve learned to move on. Kung hindi naman ako magmu-move on, magagalit lang ako forever.

“Parang, ‘Why? Why am I gonna stay mad?’ So, ayun, naka-move on na rin ako,” chika pa ni Ryle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending