Koreanong diver natagpuang patay sa Camotes Island | Bandera

Koreanong diver natagpuang patay sa Camotes Island

- July 08, 2015 - 02:19 PM

3koreans
NATAGPUANG patay ang isa sa tatlong Koreano na nawala matapos magdiving sa karagatan ng Punta Engano, Lapu-Lapu City noong linggo.
Sa isang panayam ng dyLA radio station sa Cebu, sinabi ni Himensulan barangay captain Rene Maranga na natagpuan ang katawan ni Heo Sueng Yung, 45 sa dalampasigan sa Barangay Himensulan, San Francisco, Camotes Island.

Idinagdag ni Maranga na nadiskubre ang bangkay ng Koreano ng caretaker ng M Lhuiller resort na si Reynante Reyes.
Nauna nang natagpuang buhay ang mga kasamang Koreano ng biktima na sina Kim Eun, 31 at diving instructor na si Baek Seung Kyoon, 34 noong Martes ng hapon.
Natagpuan ang babaeng diver ganap na alas-4 ng hapon ng isang mangingisda malapit sa dalampasigan na mahinang-mahina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending