PBB teen housemates kailangan ng matinding parusa
DAHIL nga sa mga reklamo at tila pambu-bully ng netizens sa mga PBB teen housemates na sina Kenzo at Bailey, nagdesisyon ang pamunuan ng ABS-CBN na i-shut down na ang live streaming o ang 24/7 coverage ng kontrobersiyal na reality show.
Agree naman kami dito kapatid na Ervin dahil may isyu ngang kailangang i-address ang management at hindi simpleng reklamo lang ito.
But we stand firm sa aming call that these minors inside the PBB house need a stricter guidance and attention at dapat mas matinding parusa ang ibigay sa mga “nagkakasala”, lalo pa’t nabuksan na sa publiko ang kakaiba nilang “values” pagdating sa mga usaping romance, infatuation, physical contact, etcetera, na hindi naman siguro laging hinahanapan ng “justification” ng PBB resident psychologist base sa kanyang expertise.
Sino ba ang matatawag na “expert” pagdating sa usaping emosyon, lalo ng kung menor de edad ang pinag-uusapan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.