Pang habang buhay na bang magiging “kabit”? | Bandera

Pang habang buhay na bang magiging “kabit”?

Joseph Greenfield - July 06, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Aubrey San Agustin St., La Carlota City, Negros Occidental

Dear Sir Greenfield,

May karelasyon po ako at siya po ang bumubuhay sa akin, nagbibigay ng pera, ng allowance at nagpapa-aral. Ang problema pamilyado po at may mga anak na ang lalaking ito na nakilala ko lang po sa pamamagitan ng social media. May pangako naman siya sa akin na kapag daw nagkahiwalay na silang mag-asawa ay magsasama na daw kami bilang mag-asawa, sa ngayon po kasi ay ibinabahay nya lang ako sa isang apartment pero regular naman siyang umuuwi kaya lang ay hindi siya doon natutulog dahil nga po sa tunay nyang pamilya siya natutulog. Ang gusto ko pong malaman sa aking kapalaran ay kung ano kaya ang mangyayari sa relasyon naming ito, magtatagal kaya at magiging pang habambuhay na. Sa ngayon ay graduating na ako ng kursong HRM kapag kaya naka-graduate na ako madali kaya akong magkakaroon ng isang maganda at regular na trabaho at magiging successful kaya ako sa career na pinasok ko? December 1, 1994 ang birthday ko at October 17, 1973 naman ang lalaking karelasyon ko.

Umaasa,
Aubrey ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

May bilog sa iyong Marriage Line (Illustration 1.) na nagbababalang sa sandaling patuloy ka niyang binibigyan ng salapi at material na bagay, ano man ang kalagayan ng inyong relasyon sa kasalukuyan mananatili na ito ng pang habampanahon at magpasawalanghanggan.

Cartomancy:

Nine of Diamonds, Queen of Spades at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1,). Ang mga baraha ang nagsasabing bagamat nakatakda na sa iyong kapalaran na mabubuhay ka sa luho at karangyaan, ngunit may babala na ang relasyong ikaw ay kabit lang ay maaari ngang ang sitwasyong ito ay magiging pang habambuhay.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending