Nadine Lustre solo muna sa horror movie na ‘Chain Mail’ | Bandera

Nadine Lustre solo muna sa horror movie na ‘Chain Mail’

Ervin Santiago - July 05, 2015 - 02:00 AM

nadine lustre

WALANG alam si Nadine Lustre sa lumalabas na balita tungkol sa panliligaw daw ng kanyang ka-loveteam na si James Reid kay Julia Barretto na nakasama nila sa pelikulang “Hopeless Romantic”.

Sa presscon kahapon ng bagong pelikula ng Viva Films, ang horror film na “Chain Mail” kung saan may special role si Nadine, sinabi ng young actress na wala wala pa naman daw naikukuwento si James sa kanya tungkol kay Nadine.

Sey pa nito, wala naman daw problema sa kanya kung manligaw si James kay Julia dahil wala naman silang relasyon.
“Hindi naman sa walang pakialam, pero magkaibigan naman kami ni James, magka-loveteam kami, siguro kahit paano sasabihin naman niya sa akin.

Pero so far, wala pa naman. Maniniwala lang ako sa mga balita kung siya mismo ang magsasabi sa akin,” paliwanag ni Nadine. Sinabi rin ng young actress na nalulungkot siya kapag bina-bash si James sa social media, naaapektuhan din daw siya kapag nakakabasa siya ng mga kanegahan patungkol sa kanyang ka-loveteam.

Samantala, solo muna ngayon si Nadine sa horror movie na “Chain Mail” mula sa Viva Films. Makakasama niya rito ang iba pang promising Viva artists tulad nina Meg Imperial, Shy Carlos, AJ Muhlach at Khaleb Santos. Aniya, first time niyang gumawa ng suspense-horror film kaya super excited siya.

Ang “Chain Mail” ay tungkol sa misteryo na bumabalot sa pagkamatay ng ilang tao na hinihinalang pinadalhan at nakatanggap ng isang chain mail. Hinihinalang may dalang sumpa ang chain mail sa mga makakabasa at mangdededma rito.

Ito’y sa direksyon ng award-winning director na si Adolf Alix Jr., at makakasama rin sina Jackie Lou Blanco, Mark Bautista at John Regala. Showing na ito sa mga sinehan simula sa July 22. In fairness, maganda ang trailer ng “Chain Mail”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending