BEA type na type sina BOSSING, RICHARD at AGA | Bandera

BEA type na type sina BOSSING, RICHARD at AGA

- August 28, 2012 - 02:38 PM


Hindi raw dyina-justify sa pelikulang “The Mistress” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang pagkakaroon ng kabit ng isang lalaki o babae.

Ayon sa mga bida ng bagong pelikula ng Star Cinema, nais lang nilang ipaalam sa publiko na ang pag-ibig o pagmamahal ay hindi lang puro kaligayahan – may kaakibat itong isang malaking responsibilidad.

Paliwanag ni Bea, “Isa lang po itong kuwento ng tunay na pagmamahal, hindi naman po namin gustong sabihin sa mga tao na okay lang magkaroon ng mistress o kabit, hindi rin namin sinasabi na lahat ng mistress e, masama.

Kailangan nilang mapanood ang buong pelikula para sila mismo ang makapagsabi kung ano ba talaga ang message ng movie.”

Sey pa ng mas gumanda at sumeksing dyowa ni Zanjoe Marudo, ang role niya sa “The Mistress” ay ang kanyang most daring role yet, “I think it’s about time na ma-challenge ko ang sarili ko to do a different role. Tama ang sinasabi nina Inang (Olivia Lamasan, director ng movie), at some point, every actress would feel na mayroon na siyang hunger or thirst for a more daring and challenging role.

And for me, ito na ‘yun, para ma-explore ko ‘yung next level ng career ko.

“Nu’ng una talagang may doubt ako, kaya ko kaya? Handa na ba talaga ako  sa ganitong sensitive project? And finally, na-convince ko ‘yung sarili ko na this is it na talaga.

Tapos nalaman ko pa na si John Lloyd pa ang makakasama ko, so parang wala nang iba pang pelikula na pwede kong i-explore for a more mature character,” dagdag pa ng aktres.

Ito ang magsisilbing 10th anniversary project nina John Lloyd at Bea bilang magka-loveteam, una silang nagtambal noong 2002 sa seryeng Kaytagal Kang Hinintay ng ABS.

Sa tanong kung ano ba ang na-miss niya kay Lloydie? “Yung pang-aasar niya sa akin.

Siya lang ang nakakaasar sa akin ng ganyan. Nakakatuwa siya kasi ganu’n talaga kami mag-asaran.

Wala nang makakaasar sa akin ng ganon kundi siya at siya lang ang may lisensya para makagawa sa akin ng ganoon.”

Sure kami na papatok sa takilya ang “The Mistress”.

Nagtataka nga kami dahil kapag may temang kabitan o pagtataksil ang isang pelikula ay tumatabo sa takilya, tulad ng “No Other Woman” nina Anne Curtis, Derek Ramsay at Cristine Reyes na naging blockbuster hit pa!

Siguro marami talaga ang nakaka-relate sa isyung ito, it’s either maraming nanonood na kabit o maraming misis o mister na biktima na pagtataksil.

Kasama rin sa “The Mistress” sina Ronaldo Valdez at Hilda Koronel. Showing na ito nationwide sa Sept. 12.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ay, pahabol, sabi ni Bea ang mga type niyang mature men sa showbiz ay sina Richard Gomez, Vic Sotto at Aga Muhlach.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending