Kevin Love mananatili sa Cleveland | Bandera

Kevin Love mananatili sa Cleveland

- , July 03, 2015 - 12:00 PM

TULAD ng inaasahan, naging maaksyon ang pagbubukas ng NBA free agency kahapon.

Nanatili sa Cleveland si Kevin Love para muling sumubok ang Cavs na makuha ang kampeonato habang tumungo naman sa Phoenix si Tyson Chandler para makahataw ang Suns sa napakalakas na Western Conference.

Umabot sa $1 bilyon ang kontratang napagkasunduan ng mga NBA teams at mga free agents kahapon sa pangunguna nina Love at Chandler.

Pumirma si Love ng limang taong kontrata na nagkakahalaga ng $110 milyon habang si Chandler ay pumayag sa four-year $52 million deal para lisanin ang Dallas Mavericks.

Nanatili naman sina Jimmy Butler at Mike Dunleavy sa Chicago Bulls gayundin sina Slovenian guard Goran Dragic ng Miami Heat at Paul Millsap ng Atlanta Hawks.

Mula Washington Wizards ay lumipat naman ang beteranong si Paul Pierce sa Los Angeles Clippers kung saan makakasama niyang muli ang dati niyang head coach sa Boston Celtics na si Doc Rivers. Si Pierce ay papipirmahin ng $10 milyong kontrata.

Lumipat din ang isa sa mga haligi ng Atlanta Hawks na si DeMarre Carroll patungong Toronto Raptors.

Samantala, hindi pa nakapagdesisyon kahapon si Portland Trail Blazers star LaMarcus Aldridge kung saan siya maglalaro sa darating na season.

Malakas ang bulong-bulungan na hindi na mananatili sa Portland si Aldridge at malamang na sa San Antonio Spurs na siya maglalaro sa darating na season.

Para magkaroon ng espasyo sa salary cap para kay Aldridge ay ipinamigay ng Spurs ang sentrong si Tiago Splitter sa Atlanta bagaman pumirma ng contract extension si Danny Green sa San Antonio sa halagang $45 milyon sa apat na taon.

Inaasahan ding pipirma ng extension si Kawhi Leonard sa Spurs at maging si Draymond Green sa nagdedepensang kampeong Golden State Warriors.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang iba pang mga free agents na tinututukan ng media ay sina DeAndre Jordan ng Clippers at Marc Gasol ng Memphis Grizzlies.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending