Jiro Manio balik sa masamang bisyo, 3 araw nagpagala-gala na parang pulubi | Bandera

Jiro Manio balik sa masamang bisyo, 3 araw nagpagala-gala na parang pulubi

Cristy Fermin - July 02, 2015 - 02:00 AM

jiro manio

Tatlong araw nang nakikitang paikut-ikot sa Terminal 3 ng NAIA ang magaling na batang young actor na si Jiro Manio. Nu’ng una pala, ang akala ng mga empleyado du’n ay may show sa probinsiya si Jiro, kaya napakaaga niyang dumating sa airport.

Pero maghapon lang siyang nandu’n, pagala-gala, parang tulala. Lalong nagduda ang mga nagtatrabaho sa airport dahil nahiga na siya sa isang mahabang upuan, pero gising na gising naman, bulong siya nang bulong.

Kinabukasan, dahil wala siguro siyang pera, ay nakikain na siya sa mga airport guards. Pinakain naman siya at inasikaso ng mga guwardiya.

Sa ikatlong araw ay hindi na normal ang kilos ni Jiro, para na siyang walang kapaguran sa paglalakad, nililinis lang daw niya ang sahig para magandang tingnan.

“Ang sabi niya, sa kalalakad daw niya, e, lumilinis ang sahig. Iba na ang mga sinasabi niya, paiba-iba ang mga kuwento niya, mabilis magbago ang topic niya,” sabi ng isang source.

Ayon sa balita ay nag-away si Jiro at ang kanyang ama, puwedeng totoo ‘yun, pero mas naniniwala ang marami na ang bisyo ni Jiro na hindi niya maitapun-tapon ang dahilan ng pagkakaganyan niya.

Nakapanghihinayang na aktor. Hindi kami naaawa kay Jiro dahil hindi naman siya biktima, pabiktima siya, may sapat na siyang isip para balansehin ang mga bagay-bagay pero mas pinipili pa rin niyang tanggalan ng saysay ang kanyang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending