Pokwang, Chokoleit, Ethel Booba pinaligaya ang mga Taclobanos
LAST Sunday ay sinamahan ko ang alaga kong si Michael Pangilinan sa Tacloban, Leyte para sa kaniyang guesting sa concert nina Pokwang, Ethel Booba and Chokoleit sa Astrodome.
This is one of the exciting events na naganap sa Tacloban nitong kanilang kapistahan – unang taong nagdiwang talaga sila after ng Yolanda tragedy two years ago.
Nakakaloka ang pagpunta namin doon dahil na-hold kami sa ere for more than 30 minutes dahil hindi kami maka-land sa Tacloban airport dahil zero visibility due to heavy rains.
Sa first two attempts namin to land, hindi talaga umubra dahil halos dikit sa lupa ang ulap dala ng malakas na ulan kaya inangat ulit ng magaling naming pilot ang eroplano and on our last and third attempt ay nag-succeed kami.
Kasi nga, kung di pa rin kami maka-land, the pilot will bring us to Cebu para doon mag-landing. Mabuti na lang at bago ako sumakay ng plane from Manila ay uminom na ako ng tatlong cans ng beer para pampakalma.
Alam niyo namang takot ako sa airplane, di ba? Ha-hahaha! But the trip was truly worth it. Nu’ng nag-show kami sa gabi (sa paanyaya ng mahal nating friend na si Roel Caba of the Philippines ably assisted by the beautiful at sobrang-sipag na si Ms. Ady Siwa), punumpuno ang Astrodome at damang-dama mo ang init ng pagtanggap ng audience.
Obviously, sabik sila sa ganitong palabas – talagang halakhakan sila sa humor na hatid ng ating mga performer. And for the very first time ay napilitang maghubad si Michael ng t-shirt sa stage – he was topless at the end of his number dahil ang bading na kinuha niya sa stage at kinantahan ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ay nilalambing na hingin ang hinubad niyang jacket.
Kaya lang regalo lang kasi kay Michael ang jacket na iyon kaya hindi niya maipamigay. Yon na – ayaw pumayag ng bading na wala siyang remembrance from Michael kaya hiningi niya ang pawisang white t-shirt na suot ni Michael.
Hayun si bagets, naghubad sa gitna ng stage kaya sigawan ang female and gay audience.Galing pa rin nina Ethel, Chokoleit and Pokwang – talagang dumagundong ang buong Astrodome sa mga jokes nila.
Perfect casting, ika nga. May tatlong komedyante at merong isang bagets na matinee singer in Michael. Kaya hirap na hirap kaming makalabas ng venue after the show.
Sarap panoorin ng mga kababayan natin sa Tacloban na unti-unti nang nakaka-recover though marami pa rin talagang mga bahay ang hindi pa nagagawa up to now. Hindi naman ganoon kadali for them to rehabilitate, di ba?
Miss na miss ko talaga ang lugar na ito because the last time na nakadalaw ako sa Tacloban was more than 20 years ago.
Nakakaiyak pero ganoon talaga, ang mahalaga ay naibalik natin sa mga labi nila ang mga matatamis na ngiti kahit panandalian lamang.
After the show ay nag-late dinner muna ang buong cast sa Warehouse Seafood Resto sa Palo, Leyte – mga 30 minutes from the city. After dinner ay sinundan namin si Karla Estrada sa isang bar at umakyat kami sa isang sing-along bar and drank and had fun. Kantahan sina Michael, Pokwang, Chokoleit, Ethel and Karla sa stage.
Pinakanta namin kay Karla ang “Through The Fire” and hanep na pala ang ganda ng boses ni Karla ngayon. Bumilib ako sa ganda ng timbre at hagod ng boses niya.
Ang saya namin hanggang sa pag-uwi the next day. Before we went home, dumaan muna kami sa resto nina Mayor Alfred Romualdez and Cristina Gonzales malapit sa airport (minus Pokwang) for lunch dahil nandoon ang grupo nina Manay Aster Amoyo at some members of the entertainment press na naimbitahan nila.
Sobrang saya namin kaya this I will never forget, what a beautiful experience indeed! We love you, Tacloban. Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.