Muli kayang makapagdya-Japan | Bandera

Muli kayang makapagdya-Japan

Joseph Greenfield - June 28, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Eva ng Mangagoy, Bislis, Surigao del Sur
Dear Sir Greenfield,
Nakapag-Japan na po ako dati, pero napauwi ako gawa ng nabuntis ako ng kasamahan ko rin sa trabaho. Sa ngayon naisilang ko na ang aming baby at two years old na siya. Ang problema, dalawang beses na po akong nare-reject sa interview ko pabalik sa Japan, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Ano po ba ang nakikita nyo sa aking kapalaran, may pag-asa pa kaya akong makabalik sa Japan? Sana matulungan nyo ako, kasi po ito na lang ang nakikita kong pag-asa upang mabigyan ko ng marangal na buhay ang kaisa-isa kong anak sa pagkadalaga, dahil sa ngayon hindi na nagpapakita sa akin ang ama ng anak ko at itinigil na rin niya ang kanyang sustento sa amin. September 28, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Eva ng Surigao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat may Travel Line (Illustration 2-2 arrow 2.) sa iyong palad, nagsagkuan o naharangan naman ito ng Guhit ng Hadlang (1-1 arrow 1.) na nagsasabing mahihirapan kang magpupumilit ka at mangungulita sa kapalaran, sa bandang huli maaawa din sa iyo ang tadhana, sa takdang panahon inilaan, muli kang makapagdya-Japan.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Two of Diamonds at King of Diamonds (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing bago ka muling makapag-Japan, isang lalaki ang tutulong sa iyo, at sa tulong nga ng nasabing lalaki, tulad ng inaasahan, muli kang makapagdya-Japan.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending