PACMAN, JINKEE nagkaroon ng matinding away dahil sa pera? | Bandera

PACMAN, JINKEE nagkaroon ng matinding away dahil sa pera?

- August 26, 2012 - 03:39 PM

Dahil sa sobra-sobrang pagtulong sa mahihirap

AYAW pa ring tantanan ng mga tsismoso’t tsismosa sina Manny at Jinkee Pacquiao.

May nag-text kasi sa amin, nagtatanong kung totoo raw na magkaaway ngayon ang mag-asawa.

May matinding tampuhan daw ang dalawa at hanggang ngayon ay dedmahan ang kanilang drama

May nagtatanong din kung true raw ba ang chika na pati raw ang pagtulong ni Pacman sa ibang tao gamit ang sarili nitong pera ay kinukuwestiyon din ni Jinkee, puro palabas na lang daw ang kayamanan nila at hindi na nadadagdagan.

Ang sabi namin, base sa huling pahayag ni Jinkee na mas mahalaga ngayon sa kanila ni Pacman ang maayos nilang relasyon at ng kanilang pamilya kesa sa pera, naniniwala kaming puro katsismisan lang ang lahat ng lumalabas na balita.Mas naniniwala kaming totoong mas importante sa mag-asawa ang maayos na takbo ng kanilang relasyon kesa sa kayamanan at kasikatan.

Hindi ba’t mismong si Manny na nga ang nagsabi na handa siyang tumulong sa mga kababayan nating nangangailangan kahit sa sariling bulsa pa niya manggaling ang perang ibibigay niya?

Kaya sa tingin namin, puro paninira lang ang mga naglalabasang tsismis laban kina Pacman at Jinkee.

Tulad na nga lang ng programa ni Manny sa GMA 7 na Manny Many Prizes, sa totoo lang daw, malaki-laki na rin ang nailalabas niyang pera sa nasabing show na hindi na galing sa network.

At in fairness ha, good decision ang paglipat ng timeslot ng Manny Many Prizes dahil mas marami na ang tumututok dito ngayon.
At bukas ng hapon, sumama kayong lahat sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng programa kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay makikihataw ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa launch ng Tsumayaw, Tsumunod! ang dance showdown ng mga magkakabarangay.

Makakasama rin si Maricel ni Ninong Manny sa Easy Manny round kung saan ang contestants ay mula sa mga nabunot at inilipad mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa!

At sabay-sabay din natin balikan ang mga buhay ng ilan sa mga natulungan mula sa mga sumulat sa Dear Ninong.

At sa pagkakataong ito, sila mismo ang may tsansang makatulong sa kapwa.

Kilalanin natin ang masuwerteng sumulat sa Dear Ninong na kanilang napili.

Sina Pekto at John Feir, mangangatok at manonorpresa muli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isang maswerteng pamilya ang kanilang bibisitahin at hahatiran ng bagong hamon ni Ninong! Kung ano ito, ‘yan ang dapat nating abangan!
Isang taon na rin pala ang Manny Many Prizes kaya maki-celebrate na ngayong Linggo sa buong tropa, 2:45 p.m. pagkatapos ng Party Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending