Religious leaders sabit sa SEX SCANDAL | Bandera

Religious leaders sabit sa SEX SCANDAL

- August 25, 2012 - 04:52 PM

Ni Bella Cariaso

Last of two parts
NARITO pa ang  ilan sa mga religious leaders na nasangkot sa mga sex scandals noon at ngayon.

Pope Paul II

Ipinanganak si Pope Paul II bilang Pietro Barbo.

Siya ay isinilang sa Venice at pamangkin ni Pope Eugene IV.

Dahil sa pagkakahalal ng kanyang tiyuhin bilang papa, napilitan si Paul II na mag-iba ng karera.

Mula sa pagiging negosyante, siya ay naging kardinal noong 1440.Nanungkulan siya bilang papa mula 1464 hanggang 1471.

Batay sa kasaysayan, hiniling ni Paul II na siya ay tawaging Maria Pietissima (Our Lady of Pity).

Sinasabi ng ilang historians na nais ni Paul II ang palayaw na pambabae dahil na rin sa kanyang pagkahilig na magsuot ng damit na pambabae.

Si Paul II ay namatay sa atake sa puso habang nakikipag-sex sa kanyang bantay na lalaki noong Hulyo 26, 1471.

Ngunit ang opisyal na nakatala na sanhi ng kanyang pagkamatay ay nabilaukan siya dahil sa pagkain ng melon.

Eddie Lee Long

Si Eddie Long ay isang senior pastor ng New Birth Missionary Baptist Church sa DeKalb County, Georgia, United States, malapit sa Lithonia.

Nang magsimula si Long  bilang pastor ng New Birth Church noong 1987, tinatayang 300 lamang ang miyembro nito.

Sa kanyang pagkakatalaga, lumaki ang mga tagasunod nito sa 25,000.

Isa si Long sa mga religious leaders na sumailalaim sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng alegasyon na pagpapayaman at mga akusasyon pagkakaroon ng relasyon sa mga batang miyembro ng kanyang simbahan.

Itinanggi ni Long ang mga alegasyon at inayos ang mga kaso laban sa kanya sa pamamagitan ng out of court settlement.

Noong 2004, pinangunahan ni Long ang martsa kasama si Bernice King papunta sa puntod ng tatay nitong si Martin Luther King, Jr.

Ang protesta ay kaugnay na rin ng kanilang protesta laban sa same-sex marriage.

Noong 2006, ang pagdalo ni Long sa Interdenominational Theological Center sa Atlanta ay nagresulta ng kontrobersiya na kung saan napilitang iboycott ni Black liberation theologian na si  James Cone ang seremonya na nakatakda sanang tumanggap ng isang honorary degree.

Kinuwestiyon ng 33 graduating seniors ang integridad ni Long bilang commencement speaker.

Kinontra nila ang paniniwala ni Long hinggil sa “God can deliver homosexuals and his teachings on prosperity.

Noong Setyembre 21 at 22, 2010, kinasuhan si Long nina Maurice Robinson, Anthony Flagg, at Jamal Parris sa DeKalb County Superior Court na kung saan inaakusahan nila si Long na ginamit ang kanyang posisyon para pilitin silang makipagrelasyon sa kanya.

Setyembre 24, 2010 nang kasuhan naman si Long ni Spencer LeGrande, isang miyembro ng New Birth satellite church sa Charlotte, North Carolina.

Inakusahan siya ng sexual misconduct.

Inakusahan si Long na inilagay niya sa payroll ang mga lalake sa simbahan, binilhan ng kotse at iba pang regalo at inilibot sa iba’t-ibang destinasyon katulad ng Kenya, South Africa, Turks at Caicos Islands, Trinidad, Honduras, New Zealand at New York City.

Noong May 30, 2011, isang dokumentaryo hinggil sa serye Sex Scandals In Religion, ang inere sa isang Canadian television network Vision TV na kung saan ipinakita ang alegasyon hinggil sa pakikipagrelasyon ni Long sa mga batang lalake sa ilalim ng kanyang pangangalaga.

Jimmy Swaggart

Si Jimmy Lee Swaggart ay isang Pentecostal American pastor.

Siya ay may lingguhang palabas sa telebisyon na batay sa opisyal na website na Jimmy Swaggart Ministries, ang kanyang lingguhang programa  noong 1980s ay pinalabas sa 3,000 istasyon at cable systems kada linggo.

Nagsimula ang television ministry ni Swaggart noong 1975 at nagpatuloy ang pag-eere ng kanyang lingguhang Jimmy Swaggart Telecast at A Study in the Word sa 78 channels sa 104 na mga bansa at live sa Internet.

Noong 1986, nagsimula ang pag-atake ni Jimmy Swaggart sa kanyang kapwa televangelists na sina Marvin Gorman at Jim Bakker.

Ibinunyag ni Swaggart ang umano’y pakikipagrelas-yon ni Gorman sa isang miyembro ng kanyang kongregasyon.

Tumulong din siya para mabuking ang pagtataksil ni Bakker kay Jessica Hahn. Sumikat si Swaggart dahil dito.

Dahil sa galit, gumanti si Gorma. Kumuha siya ng private investigator para mabuking ang pakikipagrelasyon ni Swaggart sa isang prostitute.

Bumaba si Swaggart sa kanyang pwesto sa loob ng isang taon at humingi ng paumanhin sa telebisyon sa kanyang mga konggregasyon  noong Pebrero, 1988 sa pagsasabing, “I have sinned against you, my Lord, and I would ask that your precious blood would wash and cleanse every stain until it is in the seas of God’s forgiveness.”

Nahuli muli si Swaggart ng California police makalipas ang tatlong taon o noong 1991, kasama ang isa pang prostitute na si Rosemary Garcia. Si Garcia ay nakasakay sa kanyang kotse nang pinatigil si Swaggart dahil sa pagmamaneho sa maling parte ng kalsada.

Nang tinanong kung bakit kasama siya ni Swaggart, sumagot siya ng “He asked me for sex. I mean, that’s why he stopped me. That’s what I do. I’m a prostitute.”

Eliseo Fernando “Bro. Eli” Soriano

Hindi rin pahuhuli ang Pilipinas sa mga iskandalo na sangkot ang mga lider ng mga religious group.

Ito’y matapos na akusahan ang television evangelist na si Eliseo Fernando “Bro. Eli” Soriano, ng Ang Dating Daan ng sexual assault.

Kinasuhan si Bro. Eli noong Mayo, 2006, ng kasong rape sa regional trial court ng Macabebe, Pampanga, matapos siyang akusahan ng dati niyang staff na si Daniel Veridiano.

Ayon kay Veridiano dalawang beses umano siyang ni-rape ni Bro. Eli sa Apalit, Pampanga.

Itinanggi ni Soriano ang akusas-yon sa pagsasabing ginagantihan lamang siya ni Veridiano matapos siyang patalsikin sa trabaho dahil sa maling paggamit ng pondo ng Ang Dating Daan.

Nadismiss ang kaso laban kay Soriano ngunit ito ay inihain muli ng dating Justice Secretary Raul Gonzales.

Nag-isyu si Macabebe Regional Trial Court Judge Manuel Siyangco ng warrant of  arrest laban kay Soriano na kung saan nagpiyansiya siya ng P400,000 para sa dalawang counts ng rape.

Noong Nobyembre, 2006, naglabas ng warrant of arrest si Judge Lucina Dayaon laban kay Soriano.

Nagpiyansiya siya ng P240,000 sa istasyon ng pulis sa Pandacan, Manila noong Hunyo 21, 2008. Agosto, 2010 nang ilagay sa archive ang kaso ngunit hindi pa naman ito nate-terminate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

(Editor: May tanong, reaksyon o komento ka ba sa artikulong ito? May nais ba kayong ipasulat o ipatalakay sa Bandera?  I-text ang pa-ngalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending