Ibang-iba naman daw ang style niya sa pagiging performer
DALAWANG araw na lang, expired na ang kontrata ni Christian Bautista sa ABS-CBN kaya sa ginanap na presscon para sa kanyang 10th year anniversary concert na gaganapin sa Meralco Theater ngayong Oktubre ay tinanong namin kung may plano pa rin siyang mag-renew sa Dos.
Bago ito ay nakausap muna namin ang manager niyang si Carlo Orosa na umaming hindi pa rin niya alam kung ano ang desisyon ng kanyang alaga dahil nakatakda pala siyang makipag-meeting sa ABS sa Lunes, Agosto 27 para alamin kung ano na ang plano ng network sa “Asiansation” singer.
Ang naging sagot naman ni Christian tungkol dito ay, “Sa ngayon, hindi ko pa alam.
Kasi ang magmi-meeting, sila Sir Carlo and Stages. Do I want to renew? Sa ngayon po, we want to review everything.
“So, we’re back (again) to the table. Mahirap kasi ngayon, kasi hindi pa po final ‘yung mga meeting, e.
Mahirap magsabi ako ng sagot ngayon e wala pang resulta.
“Siguro po, ‘pag may resulta, saka tayo mag-usap uli,” mahabang paliwanag ng binata.
Kaya naman sobrang nagpapasalamat si Christian sa manager niyang si Carlo dahil sa magagandang nangyari sa buhay niya ngayon.
“Kasi inilagay niya ako sa entertainment industry kasi hindi ko po alam na ito pala ang plano sa buhay ko.
“Kasi dati hindi ko alam ang direksyon ko, lagi kasi ako ganu’n, parang dumarating na lang po sa akin, like ‘yung Kitchen Musical, hindi naman po pinlano ‘yun, pero dumating na lang, biglang nandoon na lang ako,” kuwento ni Ian (palayaw ng binata).
Hindi naman itinanggi ng binata na gusto rin niyang magkaroon ng soap drama pero sa nangyayari ngayon sa career niya sa ABS ay mukhang malabo na siyang magkaroon ng teleserye dahil nga sa estado niya ngayon, posibleng hindi na siya kuning leading man sa mga drama series dahil mas concentrated ngayon ang network sa mga batang artista na kinakikiligan ngayon ng fans bukod pa sa mga singer na umaarte talaga sa harap ng kamera.
“Hindi naman kasi ako (artista), I’m not an artista, hindi ako sina Piolo (Pascual) or Sarah (Geronimo), I’m different, eh.
I’m set apart, I make my own way, I make my own mark in a different way na hindi ‘yung normal which make me unique din naman po,” paliwanag ni Christian.
Tulad sa ASAP 2012 ay aminado ang singer na sobrang dami nila kaya hindi sila lahat nabibigyan ng moment maliban na lang kung may importanteng event sa buhay nila.
“I have full confidence for my ASAP family. I’m with them for the longest time, ano kasi sa ASAP, bigayan we’re like 50 roon na artist. Ang style po kasi ng ASAP, iba-iba.
“Binigay po nila ‘yung moment ko nu’ng 10th year anniversary ko, so balanse lang at every week my moment for the different artists.
Hindi naman po parati, unless you’re a Gary V na,” esplika pa ng singer.
At dahil dito ay nagdadalawang-isip din si Ian na lumipat ng ibang TV network, “Siguro right now, hindi ko pa siya masasagot ng one hundred percent.
Pero ngayon, I’m very open.
My heart is open, my mind is open.
I want to be challenged, I want to make a mark. I don’t want to be forgotten.
Ayoko na it will depend on a channel. Anything is possible,” sabi pa ng binata.
Tulad nga raw ng alukin siya sa Kitchen Musical ay hindi ito ine-expect ng binatang singer, nakilala naman siya hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba pang bansa sa Asia, dahil sa awiting “The Way You Look At Me”.
“I don’t want to sound proud, pero hindi one hundred percent local ‘yung career ko.
So, medyo iba-iba. So, puwede ko rin i-explore ‘yung international career in Indonesia, maybe.
So, it will depend on that,” dagdag pa niya.
Samantala, natanong si Christian kung ano ang pagkakaiba ng tinatawag na X factor at X class (title ng kanyang concert) ng mga performers, at ano ang mas mahalaga sa dalawa? “I want to say pareho because, class is not about the money, Class is how you handle yourself in any situation, meron people with so much money pero walang class.
Meron hirap pero ang lakas ng respeto mo sa kanya.
“Factor, I think ‘yung matter sa tao, what is your X factor, maraming taong lumalapit sa akin at nagsasabing, ‘Ay ang guwapo mo pala sa personal!’ Kaya ang tanong ko sa kanila, ‘Sa TV po ba hindi?’ ‘Ay hindi masyado,’ sabi nila sa akin!” natatawang kuwento ng binata.
Pinaghahandaan na ni Christian ang “X Class” 10th anniversary concert na gaganapin sa Meralco Theater kung saan daw siya nagsimula.
Nagmu-muay thai at kickboxing din si Christian para sa mga gagawin niyang stunts sa show, “Actually, sabi ni direk (Rowell Santiago) may kissing scene rin, ‘wag lang love scene, wag naman ganu’n,” ani Christian tungkol sa kanyang concert na magaganap sa Oktubre 6, 7, 12, 13 at 24.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.