Kailan magkaka-house and lot (2) | Bandera

Kailan magkaka-house and lot (2)

Joseph Greenfield - June 25, 2015 - 02:13 PM

Sulat mula kay Maricar San Pedro, Puerto Princesa City, Palawan

Problema:

1. Seaman po ang mister ko at 3 years na siyang nagpapabalik balik sa barko, pero hanggang ngayon nangungupahan pa rin kami at walang sariling lupa at bahay. Hindi po kasi kami makaipon dahil anim po ang anak namin na lahat nag aaral.

2. Gusto kong makahingi ng tips sa inyo, suwerteng numero at kung paano namin mapapaunlad ang buhay namin at kung kailan kami magkakaroon ng sariling lupa at bahay? August 28, 1978 ang birthday ko.

Umaasa,
Maricar Puerto Princesa City, Palawan
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing sa buwan ng Hunyo hanggang Oktubre kung mag-aapalya ka na ngayon sa abroad, magsisimula ng dumating ang maraming suwerte sa iyong buhay – makapangingibang bansa ka at sa ibang bansa kikita ka ng malaking halaga sa tulong ng isang dating kaibigan na isinilang sa sa zodaic sign na Taurus o kaya’y Capricorn.

Numerology:

Ang birth date mong 28 ay nagsasabing bukod sa susuwertehin ka sa abroad, malaki rin ang tsansa na kapag nasa abroad ka na, maaaring sa isang number games tumama ka ng malakinghalaga sa mga numerong 1, 7, 14, 28, 32, at 40.

Luscher Color Test:

Upang lalo kang suwertehin sa buhay saan kaman ipadpad ng kapalaran lagi kang magsuot ng kulay na gray, dilaw at berde. Sa nasabing kulay dagdag na magagandang kapalaran ang iyong masasagap.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maricar ayon sa yong kapalaran kung hindi man nagawa ng mister mo na mabigyan ang inyong pamilya ng isang disente at marangal na sariling lupa at bahay, hindi naman habang buhay na lang kayong mangungupahan. Sa halip sa sandaling nakapag-abroad ka na, tiyak ang magaganap, dahil na rin sa iyong pagsisikap, sa taong 2018 sa edad mong 40 pataas, matutupad na ang malaon mo ng pangarap para sa iyong pamilya – magkakaroon na kayo ng sariling lupa at bahay sa isang kilala at medyo sikat na subdivision sa inyong lugar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending